Continuation...
Sinasabi nila sa akin na hindi sita karapatdapat na iyakan at lalo na't hindi siya karapatdapat sa pagmamahal ko na ibinigay sa kaniya dahil "he don't worth your pain that you endured and the tears that are falling from your beautiful eyes."
Paano ba magmahal na kailangan hindi ka masasaktan? Paano ba magmahal na hindi ka iiyak dahil nasaktan ka? Paano? Simple lang "love yourself"
Yan ang sinagot ng taong bayan sa akin. Nagpakatanga ako dahil mahal kita, sinaktan ko ang sarili ko dahil mahal kita, umiiyak ako dahil gusto kong ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko dahil hindi ko matanggap-tanggap ng katotohanan na hanggang "KAIBIGAN" lang talaga tayo. Masakit man sa akin na marinig yung salitang "KAIBIGAN" na mula sa bibig mo. Pero kaya kong tanggapin ang mga salitang iyon dahil mahal kita.
At ngayon dumating na yung panahon na kailangan ko nang kalimutan ang lahat ng aking nararamdaman sa iyo. Dahil ako'y pagod nang masaktan, pagod nang umiyak, pagod nang magpanggap na ako'y masaya, ako'y okay lang. Kaya kailangan ko nang burahin at kalimutan ang lahat na nararamdaman ko sa'yo.
Tinanggap ko na hanggang kaibigan lang talaga tayo. Dahil alam ko na hindi tayo ang nakatadhana sa isa't isa. Tinanggap kong maging kaibigan tayo sa pagkakaibigan ay mapapanatili natin ang magandang relasyon natin bilang magkaibigan dahil walang hanggan tayong magsasama bilang kaibigan. Mahal kita noon ngunit ngayon ay mahal parin naman kita subalit bilang isang kaibigan na rin. Kung may problema ka ay handa kita tulungan dahil nandito ako sa tabi mo handang-handa na tulungan ka.
Gusto kong maging masaya sa aking buhay at gusto ko rin na maging masaya ang buhay pag-ibig mo. Makita lang kitang masaya, masaya na rin ako. Gusto ko ring makakita ng lalaking kaya akong mahalin higit pa sa kaibigan. At sana'y makita ko na yung taong nakatadhana sa akin at sana'y panain na kami ni Mr. Kupido at nang magkatuluyan na kami habang buhay ngunit akoy maghihintay sapagkat marunong naman akong umintindi sa salitang 'patience' . Kahit anong mangyari, ika'y hihintayin ko kahit hindi ngayon, kahit hindi bukas, hihintayin kita habambuhay.
'Dahil mahal kita at hindi bilang kaibigan kundi bilang minamahal at tinitibok ng puso ko."
Te amo. 💓
----
Author's Note:
Waaaaaaah! Yes! Natapos ko nang i-encode yung Hanggang Kaibigan lang. This feature ay dedicated to para sa almost 2 years ko nang crush. Hahahaha kahit ganun okay lang naman talaga sakin dahil alam ko naman talaga na hindi talaga siya para sakin so ayon. Mag hihintay ako ng isang sign if papasok ba ako sa religious life or continue my journey being a single one. 💙 Hahahahaha PATIENCE lang guys. Darating din yan. Love you all!
![](https://img.wattpad.com/cover/170911326-288-k818432.jpg)
BINABASA MO ANG
Lathalain
PoesíaIto ay isa sa mga sinulat ko bilang isang Campus Journalist. Mga sulat ito tungkol sa pag-ibig ko sa isang tao na nasawi lang, dahil di nila matumbasan ang pag-ibig na ibinibigay ko sa kanila.