Hi! So ito pala ang kauna-unahang naisulat ko sa paglalathala ko sa School paper namin sana namay magustuhan niyo ito. Sapagkat maypagka taasan ang inilatha kong ito. :) sadyang sawi lang talaga ako sa pag-ibig kung kaya't naisusulat ko ang mga ito dahil mula talaga ito sa puso ko. Salamat!
------
Ang pag-ibig ay parang paa, minsan nangangalay, minsan naman namamanhid. Ako'y isang simple babae na marunong magmahal kahit na nasasaktan na, kahit sinasampal na ako ng katotohanan ay patuloy parin sa pagkatanga-tangahan. Dalawang taon at anim na buwan kitang iniidolo o kung tawagin nating crush.
Natinag ako sa ka guwapuhang taglay ng iyong mga mata at sa mukha, ang mga labi mong mapupula ay lalong tinataglay ang kagwapuhan mo, ang mga matatamis mong ngiti ay nagdadala ng matinding tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit ako nahulog ng basta basta sa kaniya.
Sa tuwing nakikita ko ikaw ako'y nahihibang. Sa tuwibg nakikita kita para kang isang prinsepe at ako nama'y isang prinsesa. Dalawang taon at anim na buwan akong nagmahal sa'yo, nasaktan ng dahil sa'yo, naging tanga ng dahil rin sa'yo.
Isang araw'y kinausap mo ako at sinabi mo sa akin na "Hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa iyo. Sana'y maunawaan mo ang nararamdaman ko sa iyo. Sana'y maging magkaibigan nalang tayo."
Doon gumuho ang aking mundo, na para akong binuhusan ng malaming na tubig at parang tinusok ng ilang matatalim na kutsilyo ang aking puso at parang dinudurog narin iyon.
Simula nung araw na sinabi mo sa akin na hanggang kaibigan lang ang tingin mo sa akin. Ako'y nasaktan ng todo, umiyak ng umiyak at alam kong wala akong karapatan na masaktan at mag selos man lang dahil alam kong hindi naging tayo at lalo na't hindi talaga tayo.
To be continued...
Author's note!
Next part is continuation ng inilatha ko. Hahahahaha. Napaka OA ng words ko dyan. Pasensya na po. Sawi talaga ako. Love lots!
![](https://img.wattpad.com/cover/170911326-288-k818432.jpg)
BINABASA MO ANG
Lathalain
PoésieIto ay isa sa mga sinulat ko bilang isang Campus Journalist. Mga sulat ito tungkol sa pag-ibig ko sa isang tao na nasawi lang, dahil di nila matumbasan ang pag-ibig na ibinibigay ko sa kanila.