Okeh! Hahahaha basahin nyo nalang baka naman maka relate kayo. Mwehehehe. Lavya all 💓
----
Mahal nyang puso,Pasensya ka na dahil napaka seryoso nya talaga pag dating sa PAG-IBIG 😔. Pasensya kana kasi palagi na lang syang nasasaktan, nasusugatan, ang puso nya'y parang dinudurog na paminta, at palagi nalang syang malungkot. 😞 Mahirap talaga kapag ang isang tao'y nagmahal ng todo, dahil lahat ibinibigay at isinasakripisyo nya lahat para mapasaya ka lang niya. Minsan ikaw nalang ang nasa isip niya. Ganyan talaga ang pag-ibig puno ng pagraramdam ng sakit, poot, selos, at lungkot. Lahat ng iyan ay nararamdaman natin mga tao dahil hindi tayo manhid, may puso tayo't marunong tayo makiramdam sa ibang tao, kahit anong dinaramdam mo mararamdaman mo parin kung gaano kasakit bitiwan ang relasyong pinaghahawakan niyo pero sa isang iglap ay nawala na parang bula. Pero kinakailangan talaga na bitawan ang relasyong wala naman kahahantungan dahil palagi nalang siyang nasasaktan kapag kasama niya yung mahal niya. Nagpakatanga siya pero ngayon ay nagbago ang lahat nung iniwan mo siya. Naging matino na siya, hindi na siya magpapakatanga at magpapakaduwag sa mga taong manloloko, at higit sa lahat natuto na siyang hindi magpapaloko sa lalaking hindi nagpapakatotoo.
Hanggang ngayon masakit pa rin sa kaniya ang nangyari pero hindi tulad noon. Lahat ng pinagdaraanan niya noon ay isang daan para siyay matuto at maging maayos at iba ngayon. Lahat ng mga mahihirap na pinagdadaanan kailangan natin itong matutunan.
Ngayon naging masaya siya kasama ang kaniyang pamilya, at kaibigan. Masaya siya na hindi mo na makikita ang masasakit na pinagdadaanan niya noon. Makikita mo sa kaniyang mga mata na hindi na siya tulad noon na umiiyak, nasasaktan, nalulungkot. Ibang iba na siya ngayon sa nakilala mo noon. Salamat sa iyo dahil siyay nagbago dahil sa mga masasakit na pangyayari. Salamat sa iyo dahil siyay natuto. Siyay naging iba, siya'y naging matapang, siya'y naging masaya na hindi ka na kasama ngayon. Kaya ang masasabi ko lang "Maging masaya kayo sa buhay niyo ngayon wag nyong hayaan na masaktan kayo. Kung nasaktan man kayo o iniwan kayo ng taong mahal niyo wag kayong mag mag alalala dahil yan ay may ibig sabihin walang iba kundi "May mas better pa sa kaniya". Huwag mo siyang gawing mundo dahil hindi sa kaniya umiikot ang mundo mo. May sarili kang mundo. "KAPAG NASAKTAN KA, HUWAG KANG MAG ALALALA DAHIL IBIG SABIHIN NIYAN AY MAY DARATING PANG TAONG MAKAKAPANTAY SA PAGMAMAHAL NIYA."
---
Author's Note:
Shut up Maureen! Hahahahahaha
![](https://img.wattpad.com/cover/170911326-288-k818432.jpg)
BINABASA MO ANG
Lathalain
PoetryIto ay isa sa mga sinulat ko bilang isang Campus Journalist. Mga sulat ito tungkol sa pag-ibig ko sa isang tao na nasawi lang, dahil di nila matumbasan ang pag-ibig na ibinibigay ko sa kanila.