Ang Boss Kong Manyak 71

2.7K 49 2
                                    

Kylie POV:

Naramdaman kong biglang gumagalaw na si Berde. Dahil sa taranta ko naitulak ko siya kaya nahulog siya sa napakalamig na sahig.

"HALA!" tili ko bigla naman siyang umupo at hinawakan ang bukol niya.

"What happened?" Tanong niya sa akin habang hinihimas ang bukol niya hinde naman ako makasagot dahil mas lalo siyang magagalit sa akin.

"Ahh." Sabi ko hinde ko talaga masabi.

"Don't moan on me." Sabi niya at biglang tumawa at natawa narin ako pero awkward parin.

"Hahaha ganito kasi yun....." At kinewento ko na sa kanya.

"Oh! That's okay bukol lang naman toh eh and bakit nga pala ako nandito sa sahig?" Tanong niya sa akin na ngayon ay nakatayo na sa harap ng whole body mirror at tinitignan ang bukol niya.

"Kasi nung naramdaman ko na nagising kana nataranta ako kaya naitulak kita kaya ka nahulog sa sahig." Sabi ko habang nagsusuklay ng buhok ko. I check the time and it's already 5am. 2 hours na pala ang nakalipas. Tumayo na ako at pumunta sa kusina magluluto na ako ng breakfast kumukulo na kasi ang tiyan ko at siguradong nagugutom narin siya.

I just cooked 5 bacon, 3 hotdogs tsaka nagsinangag narin ako. Pagkatapos ko magluto ay nilapag ko na ito sa hapag kainan at paakyat na ako ng magsalita siya.

"Where are you going? Are you not going to eat?" Tanong niya sa akin. Englishin ko ba mga apo?

"Obvious ba pupunta ako ng kwarto tsaka kakain din ako maliligo lang ako." Sagot ko sa tanong niya sa akin at nagdiretso na sa kwarto ko at naligo.

Pagkatapos ko maligo ay nilagay ko yong towel sa ulo ko at nagbihis na ng jogging pants tsaka tshirt tapos kinuha ko yong phone ko pati earphone at kumuha narin ako ng bimpo at bumaba na ako para makakain nakasalubong ko si Berde papunta siya sa kwarto niya kaya kumain ako ng magisa. Pinonytail ko ang buhok ko at nilagay ang earphones sa tenga ko magjojogging kasi ako mag-iikot ikot pampalipas ng oras kumbaga.

Nakikinig ako ng mga pampatama na kanta tulad ng 'KAHIT AYAW MO NA'. Habang nagjojogging ako may biglang dumapa sa akin pagtingin ko sinamaan ko siya ng tingin.

"Sinusundan mo ba ako?" Galit na tanong ko sa kanya sa tingin ko kasi may galos na yong tuhod ko ang sakit pramisss.

"Ginaganyan mo na ako ah. May atraso ka pa nga sa akin eh." Sabi niya kaya napatahimik nalang ako. Pasalamat ka talaga na may atraso ako sayo kung hinde lagot ka talaga sakin.

Malayo layo narin ang nalibot namin nagugutom na ako, nang pabalik na kami ay dumiretso ako sa malapit na makakainan at napadpad naman ako sa 'ALING MARTA'S KARINDERYA'. Sakto at suki nila ako dito.

"At san ka naman pupunta?" Tanong niya sa akin tinignan ko naman siya.
At naglakad na para makakain narin ako nagugutom na kasi talaga ako.

"Bakit diyan pa may mga restaurant naman ah." Sabi niya sa akin habang sumusunod sa likod ko. Hinarap ko naman siya.

"Eh mas gusto ko dito kaysa sa ibang restaurant diyan tsaka mura dito at bakit ka pala sumusunod sa akin? Kung ayaw mo naman pala dito pasama ka nalang sa mga kaibigan mo para kumain sa restaurant." Pagsasalita ko sa kanya at pumunta na sa Aling Marta's karinderya.

"Oh Kylie matagal narin ng huli kang kumain dito ah." Sabi ni Aling Marta.

"Ahh oo nga po eh." Sabi ko.

"Ano ang gusto mo?" Tanong niya sa akin.

"Adobo, Sinigang, Afritada tsaka 2 pong kanin." Sabi ko.

"Talagang gutom ka ah." Sabi ni Aling Marta.

"Syempre po HAHAHA nagjogging po eh." Sabi ko naghanap naman ako ng mauupuan at nakita kong naupo din si Berde kung saan ako nakaupo tinignan ko siya ng nagtataka.

"Bakit ka pa nandito? Pumunta ka na don sa restaurant." Sabi ko at nakita kong hinatid na dito ni Cely yong inorder ko.

"Oh ate musta na?" Tanong niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya para sabihin na 'okay lang ako'.

"Ate sino yang kasama mo?" Bulong niya sa akin tinignan ko naman ng masama si Berde.

"Boyfriend niya ako." Sabi naman ni Berde. Wow lang ah.

"Wow ah! Hinde kita boyfriend at kahit kailan hinde mangyayari yun noh." Sabi ko at kumain na.

"Thank you ah." Sabi niya tinignan ko naman siya kung bakit siya nagpapasalamat sa akin nakita kong kinukuha niya yong isang kanin kaya hinablot ko.

"Sakin toh." Sabi ko.

"Bakit naman kita bibilhan?" Mataray na tanong ko sa kanya.

"Ito naman oh hinde mabiro." Sabi niya at humagikgik.

"Miss." Pagtawag niya kay Cely at lumapit naman si Cely sa kanya.

"Bakit Kuya?" Tanong ni Cely kay Berde.

"Kuha mo rin ako ganito." Sabi ni Berde sabay turo sa kinakain ko. Umalis na si Cely para kunin yong order niya feeling niya restaurant toh makautos siya kay Cely akala mo waitress si Cely. Nagbayad na ng kakainin si Berde kay Aling Marta. Nagsimula na siyang kumain at ako naman ay hinde pa tapos kasi naman mabagal ako kumain.

Natapos narin kami sa pagkain tumayo na kami at nagpaalam na ako kila Cely na aalis na kami habang naglalakad lakad ay may nakita akong SORBETES. Mahilig ako sa sorbetes noong bata pa ako kasi i prefer dirty icecream ayan ang palaging binibili sa akin pagpumupunta kami ng parke.

Bigla naman akong tumakbo papunta kay Manong sinundan naman ako ni Berde no choice siya.

"Manong 1 chocolate tsaka 1 strawberry sa cone po." Sabi ko kay Manong at inabot sa kanya yong bayad ko nagscoop naman siya at ibinigay sa akin yong dalawang icecream. Nakita ko namang nakalahad ang kamay ni Berde sa harap ko tinignan ko siya ng nagtataka.

"Para san yan?" Nagtatakang tanong ko ngumiwi naman siya.

"Para sakin yong isa diba?" Tanong niya sa akin habang nakalahad parin yong kamay niya napahagihik naman ako sa tanong niya.

"Mr.Assumero kanina ka pa. Bakit naman kita bibilhan ng icecream? Aber." Sabi ko sa kanya na nakataas ang kilay ko habang nakikipagtitigan sa kanya.

"Hayst." Sabi niya at bumili din ng dirty icecream niya.

Ang Boss Kong ManyakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon