Ang Boss Kong Manyak 72

3.1K 48 1
                                    

Kylie POV:

Naglalakad kami habang kinakain ang icecream namin medyo nauuna ako sa kanya kasi pinagtitinginan kami ay este pinagtitinginan ako ng masama. Paano ba naman kasama ko itong gwapong lalaki mas binilisan ko pa ang paglalakad ko dahil sa tingin nila para nila akong kinakatay.

"Sandali lang." Sabi ni Berde na narinig ko nagbulong bulungan naman ang mga tao dito sa parke.

"Sila ba?"
"Sayang type ko pa naman siya."
"Hayst may mukha naman si Ate."

Taena hahaha malamang sa malamang may mukha ako mga ate HAHAHA ano ako alien? Naabutan naman ako ni Berde sa laki ba naman ng hakbang na lalaking toh.

"Pagod ka na?" Tanong ko sa kanya at nginitian naman niya ako. Hala siya! Tinatanong ko ngingitian lang ako. Huminto ako dahil mah narealize ako at hinarap ko siya.

"Oo nga pala." Sabi ko sa kanya.

"What?" Tanong niya sa akin at biglang ngumiti. Naku! Baka patanggal ko yang ngipin mo kakangiti mo. Bakit ba ang perfect ng ngipin niya?

"May trabaho tayo ngayon ah. Hinde tayo papasok?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Hahaha were gonna go to work tomorrow." Sabi niya bigla. I forgot pala siya ang CEO ng 'Hortaleza Company' tumango naman ako sa kanya. At nagsimula na rin akong maglakad at this time sabay na kaming naglalakad.

Nandito na kami sa bahay ni Berde. Pagdating agad ay naupo ako sa sofa ang sakit ng paa ko ang layo ng narating namin kakajogging eh pero buti na yun nakapagpawis narin ako hinde na kasi ako nakakajogging.

In-on ko na agad yong tv at pinunta ko sa youtube at nagpatugtog ng 'Light by Wanna One' nakita ko naman si Berde na dumiretso sa kusina at kumuha ng drinks.

"Oh! Watching kpop again." Sabi niya habang naglalakad papunta sa akin pagkadating niya dito ay naupo siya sa tabi ko.

Pagkatapos ng light ay tinype ko naman ang 'Ddu ddu ddu by Blackpink' pumwesto naman ako kasi i know the steps at i dance. Pinapanood lang ako ni Berde.

"Hinde ko alam na dancer ka pala." Sabi niya sa akin.

"Ako pa ba? Hahaha joke." Pagbibiro ko syempre palagi kong pinapanood dance practice nila kaya nakabisado ko na yong sayaw.

"Ako naman sasayaw." Sabi niya sa akin. Luh? Hahaha sinearch niya naman yong isasayaw niya pumwesto na siya then the song started. HAHAHA switch it up yong music.

"Whahaha ang kulit." Pagtawa ko habang pinapalo palo yong sofa sa sobrang saya. Paano ba naman kasi itong Berde na tong sobrang tigas ng katawan.

Ang Boss Kong ManyakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon