Ang Boss Kong Manyak 69

2.6K 53 3
                                    

Kylie POV:

Nandito ako ngayon sa bench nakaupo. Basta nandito parin naman ako kung saan dinanas ang Birthday ko lumayo lang naman ako kasi sila nagsasayahan pero ako ito nalulungkot kahit araw ko ito kahit kaarawan ko ito dapat nga nagsasaya ako kasi 'baka ito na ang huling araw ko' HAHAHA. Nagsimula ng tumulo ang luha ko. Masyado akong nag-iisip ng kung ano-ano. Ng may maramdaman akong isang bagay. Isang bagay na nakadikit sa labi ko.

Pagbukas ko ng mata ko nagulat ako dahil nakita ko si Berde na hinahalikan ako. Nakapikit siya dinarama siguro yong halik namin. Pero ako ito malungkot parin. Hiniwalay niya na yong labi niya sa labi ko.

"Birthday gift ko sayo." Sabi niya habang nakangiti. Tinignan ko naman ang kamay niya baka may hawak siya.

"Bakit?" Tanong niya sa akin. Tinignan ko naman siya ng nagtataka.

"San? Yong regalo ko?" Tanong ko sa kanya bigla naman siya ngumiti yong as in nangaasar na ngiti.

"Hinde ba masarap?" Tanong niya sa akin.

"Yong? Pagkain? Yong handa? Sobrang sarap kaya busog na busog nga ako eh." Sabi ko habang humahawak sa tiyan napahalagapak naman siya sa tawa.

Hala siraulo lang ang peg.

"Yong labi ko." Bigla niyang nasabi habang nakatingin sa akin.

"Yon ang Birthday Gift ko sayo. Yong hinahangad-hangad mo na kiss ko." Sabi niya sa akin na halatang nangaasar. Powtek naalala ko yong mga nangyari kahapon. Kakainissss yong akala ko ikikiss niya ako pero hinde epic fail pala masyado kasi akong nagassume eh.

Bigla ko naman siyang hinampas pero mabilis din siyang nakailag.

"NAKAKAINIS KA!" sigaw ko habang hinahabol siya. Matagal tagal din kaming naghabulan ng bigla nalang akong napasalampak sa damuhan at napahawak sa tuhod ko. May naisip akong paraan. HAHAHA. Nakita ko naman si Berde na papalapit sa akin siguro naawa. Mahuhulog narin siya sa patibong ko ng bigla niya akong buhatin ng pang bridal style.

"WAHH IBABA MO NGA AKO!" sigaw ko habang pinapalo-palo ang muscles niya. HAHAHA. Chansing much. Masyado talagang pafall tong lalaki na ito.

"Ikaw ah nananansing ka." Sabi niya habang nakangiti ng nakakaloko. Wahhh wag ka ngang ngumiti ng ganyan masyado kang pafall eh.

"Hinde kaya." Sagot ko at wala ng nagawa at nagpabuhat nalang sa kanya. Medyo inaantok na ako kaya bigla nalang nandilim ang palagid at tuluyan na akong nakatulog.

Paul Lance Green POV:

Nagulat ako ng hinde na nagbubunganga ang babaeng buhat buhat ko. Pagtingin ko sa kanya ay wala na siyang malay. Bigla naman akong tumakbo dahil nagbabakasakaling maligtas ko siya.

Kylie kaya mo pa yan para sakin wag ka muna mamamatay. Pagdating ko dito sa pinagdadausan ng Birthday ni Kylie lahat ng tao napatingin sa akin at kay Kylie na buhat buhat ko.

"Ano nangyari diyan?" Tarantang tanong ni Brandon. Tinignan ko naman siya sa mata sa mata.

"Bigla siyang nahimatay." Sabi ko bigla naman kaming tumakbo at sinakay siya sa van pupunta kami sa hospital. Birthday pa naman niya ngayon tapos ngayon pa siya mawawala sa ibabaw ng lupa. Hustisya naman oh.

Pagdating namin sa hospital ay bigla namin siya dinala sa doktor.

*45 minutes later*

Nandito kami sa labas nakaupo sa waiting are habang hinihintay na lumabas yong doktor sa Room ni Kylie. Lahat kami dito tahimik ni isa walang nagsasalita. Lahat kami iniisip kung ano ba nangyari kay Kylie. Kasalanan ko to eh hinde ko siya binantayan maigi hinde ko alam na nahimatay na pala siya. Pero bakit naman siya nahimatay? Ano ba talaga nangyari? May sakit ba siya na hinde sinasabi sa amin?

Maya-maya ay lumabas na ang doktor sa Room ni Kylie. Bigla naman akong tumayo para malapitan ang doktor at matanong.

"Dok, kamusta na po yong kalagayan ni Ms.Dela Rosa?" Tanong ko sa doktor na halata mong nag-aalala ako kay Kylie.

"Tignan niyo nalang siya sa loob." Sabi sa akin ni Dok habang seryoso ang mukhang nakatingin sa akin. Umalis na si Dok dito at bigla namang lumapit sa akin yong mga tropa ko at tinanong ako.

"Ano sabi ni Dok?" Sabay-sabay na tanong nila sa akin. Napangiti nalang ako ng mapait.

"Sabi ni Dok sa akin na tignan nalang daw natin siya sa loob." Sabi ko ng malungkot bigla naman nila akong tinapik sa likod. Malapit ng tumulo ang luha ko feeling ko parang mamamatay ang puso ko, feeling ko parang may nawawalang isang parte ng buhay ko. Wala na kaya si Kylie?

Pumasok na sila sa loob pero ako nandito sa labas dinadamdam ko muna ang lahat ng pangyayari. Nakaupo ako dito sa waiting area biglang nagbagsakan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Umiiyak ako sa isang babae. First time to. Dahil kahit kailan hinde ako umiyak para sa isang babae lang. Oo, nagkaroon na ako ng maraming girlfriend pero hinde umabot ng 5 araw. Pamparaos ko lang sila.

Pero hinde ko alam kung bakit naging ganto ako. Bakit ko iniiyakan si Kylie? Bakit ako nagkakaganto sa iisang babae? Iisang babae na ilang buwan ko palang na kilala. Isang babae na sobrang kulit. Iisang babae na nagturo sa akin na hinde laruan ang mga babae. At iisang babae nagturo sa akin kung pano magmahal muli. Mahal ko na ba siya? O gusto ko siya? Pero magkaiba ang gusto sa mahal.

Tumayo na ako dito at naisipang bumili ng makakain namin. Hinde pa kasi kami kumakain simula nung dinala namin si Kylie dito. Mga ilang minuto ay nakarating na ako sa Jollibee ito kasi yong malapit na resraurant dito eh. Naisip ko na bakit pala hinde nalang ako nagorder bakit kailangan ko pang pumunta dito? Bayaan mo na nandito na eh.

Nagorder naman ako ng bucket chicken, 6 na spaghetti, 6 fries, 6 Coffee Chocolate Float. Nagugutom na talaga ako eh sigurado akong nagugutom na rin sila kaya marami na yong inorder ko. Maya-maya ay dumating na yong order ko nagpatulong naman ako na dalhin yon at nialagay ko naman yon sa backseat.

Maya-maya ay nakarating na ako sa Hospital. Arghhh ang hirap magbuhat ng mga pagkain namin. Pero buti at may nurse na tumulong sa akin. Pagbukas ng pinto ay nagulat ako.

Ang Boss Kong ManyakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon