Chapter 1

41 3 0
                                    

Chapter 1

Hello Sabrina is back! Nandito ako ngayon nakaharap sa aking super cute na laptop. Nagreresearch ako tungkol dun sa pesteng kambal kanina na nakaaway ko sa canteen. Jerico at Jestony Sy pala ang pangalan ng dalawang 'yon ah. Hmm. Akala nila hindi ako gaganti sa ginawa nila sa akin kanina?

"Bakit ba suot suot ko parin ang malaking nerd glass at retainer na 'to! Pwe!" Binato ko sa bintana yung nerd glass na suot ko. Joke, gagamitin ko pa 'yun para bukas next time ko nalang ibabato. Sinaved ko muna yung mga pictures ng kambal sa phone ko.

"Wag na nga, baka magkavirus pa ang phone ko kapag sinave ko ang mga pagmumukha ng dalawang 'to." Napagalaman ko na mga bullies din pala sila sa school na nilipatan ko. Syempre wala parin tatalo sa pagiging bully ko sa GHS.

TOK! TOK! TOK!

"Come in!" Gaya ng inaasahan ko nandito na naman si mommy para tanungin kung kamusta ang pag-aaral ko. Hindi pa niya alam na kick out na ako sa school.

"Good." Nasatisfied si mommy sa sagot ko kaya hindi na siya nag tagal sa loob ng kwarto ko.

Pinagpatuloy ko parin ang pagreresearch tungkol kay Jerico at Jestoni. Gumawa pa ako ng bagong facebook at twitter account para lang ma-stalk at makakuha ng information sa kanila. Si Jerico yung blonde tapos si Jestoni naman yung black ang buhok.

"WHAT THE FVCK?!" Halos mabato ko ang laptop ko sa bintana nang mabasa ko ang latest status ni Sisiw.

Jerico Sy with Jestoni Sy

Yo! Sa mga 4th year section-C dyan welcome to hell classmates.

Like. Comment. Share.

Shit! Magiging classmate ko sila? Sabagay ayos 'to. May 3 bullies sa iisang classroom? World war III yan for sure. Ito ang gusto ko hindi boring. Isang tabi muna ang pagbabago and I will kill these bastards.

Gusto ba nila makilala ang totoong Sabrina Fortes? Well, sasampolan ko sila. Sinira nila ang plano ko na mag bago huh? Sisirain ko rin ang mundo nila bwahahahaha!

Nasa kalagitnaan ako nang pagiimbistiga sa dalawa nung bumungad sa monitor yung walang kwentang pm ni Adrian sa 'kin.

'Labas ka ng bahay mo nandito ako sa may gate.'

Tss, ako pa ang inutusan niya lumabas ng bahay para puntahan siya. Sinilip ko si Adrian sa may bintana ng kwarto ko. Naka sandal siya sa may puno habang hawak yung phone.

"Kagatin ka sana ng antik dyan!" Binuksan ko yung bintana kaya napatingin siya sa direksyon ko.

"Sab! Baba kana dito!"

"Ayoko!"

"Please?"

"Aish!"

Nakakaawa naman 'to kung iiwan ko lang sa baba. Ang lamok kaya dun. Na-try ko na kasi tumambay sa pwesto niya at ginangbang ako ng mga lamok.

"O bakit anong meron?" Pwede naman niya ako i-pm,i-email,-i-text bakit kailangan niya pa ako makausap sa personal? Istorbo talaga tss.

"Kaunting kwento naman dyan sa first day mo sa Southmoor High School?" Sabi niya sabay akbay sa akin. Ganyan talaga kami magkaibigan sweet namin nuh? Corny pwe!

"Ayun napatrouble na naman puta lang." Gulat na gulat siya sa sinabi ko. Ang alam niya kasi magbabago na ako para makabalik ulit sa GHS.

"Kahit saan ka talaga mapunta palagi kang napapaaway." Yung kambal naman nagsimula ng away not me.

"Ang matindi pa dito, kambal sila." Lalo siya nagulat dahil hindi siya makapaniwala na dalawa ang bago kong mortal enemies.

"Anong pangalan? Baka kilala ko."

"Jestoni Sy at Jerico Sy"

"LALAKE?!"

"G*GO! MALAMANG JERICO NGA DIBA? MAY BABAE BA NA JERICO ANG PANGALAN?"

Nakakastress makipagusap dito sa best friend ko kaya pinaalis ko siya at bumalik na ako sa kwarto ko para matulog. Syempre inaantok din ang mga dyosang kagaya ko.

Maaga ako nagising para mag handa papasok sa school. Kailangan ko paghandaan si Sisiw pati narin yung kambal niya. Hindi pwedeng papetiks petiks lang ako, dalawa sila isa lang ako tsaka hindi ako robot. Lalaki parin sila mas malakas sila sa 'kin.

Nerd Glass √

Fake Braces √

Braided Hair √

Makapal na Libro √

TADAAAAH! On the way to hell. Humanda kayo Sy Bros paniwalang paniwala kayo na nerd ako huh?

***

Pag dating ko sa school pinagtitinginan na ako ng mga pangit na estudyante dito. Ngayon lang sila nakakita ng maganda kaya ganyan sila makatingin. Hindi ko sila pinansin sa halip dirediretso ako naglakad na medyo kunwari-takot-sa-kanila-effect para mas maging makatotohanan ang pagpapanggap ko na nerd.

"Hey, nandito na pala si Ms.Nerdy" Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Jerico. "Sabrina pangalan ko hindi Ms.Nerdy!" Pakilala muna para masaya.

"Ang pangit ng pangalan mo kasing pangit mo." Dagdag pa niya. Pangisi ngisi lang si Jestoni habang nakikinig sa mga sinasabi ng kakambal niya.

"Kesa naman sa pangalan mo na Jerico! Eww too mainstream." Hindi hamak na mas cute at unique ang pangalan ko.

"Paano mo nalaman pangalan ko? Stalker kita? May gusto ka siguro sa akin." Yuck? Like what the ef? Ako magkakagusto sa katulad niya na parang inulublob ang ulo sa food coloring? Magpapakalunod muna ako sa muriatic acid bago ko siya magustuhan.

"May nag sabi sa akin ng pangalan mo bakit masama?!"

"Bakit sinabi sayo? Dahil tinanong mo sa kanya?" Sabat ni Jestoni. Shems! Speechless na ako hindi ko naman pwede sabihin na nag research ako tungkol sa kanya baka sabihin stalker niya ako.

"Bakit ang dami niyong tanong? Pake mo ba kung alam ko ang pangalan ni Jerico? At isa pa maraming nakakita sa nangyari kahapon na kilala ko kaya sinabi nila sa akin ang pangalan mo. Ayan masaya na kayo?" Naiinis ako, ayokong binabara ako nakakabwiset. Binunggo niya ang balikat ko dahilan kung bakit nalaglag ang props ko na libro.

"KAMBAL NGA TALAGA KAYO, PAREHAS PESTE!"

Trouble TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon