Chapter 2
"Ate ayos ka lang po?" May lumapit sa akin na babae na naka nerd glass at tinulungan ako sa pag pulot ng mga props ko na libro.
"Mukha ba akong ayos?" Bwiset, akala ko ba lahat ng nerd matalino? Bakit tatanga tanga ang isang 'to?
"Pati rin pala ikaw pinahihirapan ng kambal." Tinulungan pa rin niya ako mag ayos ng mga gamit kahit sinungitan ko na siya. Ang bait naman ng isang 'to. O baka naman binge lang at hindi niya narinig ang sinabi ko.
"Bully ba talaga ang dalawang 'yun?" Hindi ko sana siya gusto kausapin dahil totoong nerd siya. Wala naman akong ibang mapagtanungan dito dahil unang una transferred student lang ako. Pwede na siguro 'to kaibiganin pansamantala. Mukhang hindi siya nadadala sa pagsusungit ko kaya pwede na yan.
"Si Jerico, Oo." Bakit si sisiw lang bully din naman yung Jetosi ba 'yun?---Ah basta! Jetosi, Jesnoti, Jestoni basta mag katunog okay na.
"Umh, bully din si Jestoni pero hindi siya katulad ni Jerico na walang sinasanto kahit babae ka pa. Pili lang ang nga binubully niya." Now I know. Kaya pala ang tahimik niya. No! Dumadaloy parin ang dugo ni Jerico sa dugo niya kaya kaaway ko rin siya! Kambal parin sila. Parehas ang mukha at mga laman loob.
"Gusto mo sumama sa library?" Ew what library? Tambayan ng mga nerd yuck. Baka matuluyan na ako sa pagiging nerd. Mahawaan pa ako ng virus nila.
"May klase pa ako kaya mauna na ako." Alibay ko. Tumango siya at pumasok agad sa library. Tinignan ko ang oras, 5 minutes nalang mag iistart na ang next na subject. Nakaupo ako sa 4th row dahil walang masyado nakaupo doon. Hindi ako mahilig makipagsocialize kaya nga si Adrian lang kaibigan ko e.
Lahat ng mata nakatitig sa 'kin. Bwiset na mga estudyante to. Ngayon lang ba sila nakakita ng dyosa kaya nasa akin lahat ng mata nila? Sabagay wala naman maganda dito, mga mukhang bisugo at nagmamaganda marami.
Dumating na ang teacher namin sa unang subject. Wala akong idea kung ano ang tinuturo niya. Tsk! Ang boring walang makausap.
"Good afternoon Mr. Jerico and Mr. Jestoni Sy. Bakit late na naman kayo?" Shet! Nakalimutan ko, classmates ko nga pala ang dalawang 'to. Leche talaga. Kapag minamalas ka nga naman. Ito na ba ang sinasabi nila na karma? Hindi nila pinansin ang sinasabi ng teacher at dumire-diretso lang sa paglalakad.
"Pake mo ba? Nagtatrabaho ka dito para mag turo hindi manermon. Hindi ka madre, teacher ka." Napailing si ma'am at pinagpatuloy ang pag tuturo. Napansin ata ako ni Jerico kaya napangiti siya ng mapakla. Umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko. Sumunod naman si Jestoni. Bale pinagitnaan ako ng kambal. Ang dami naman bakante dito sa 4th row bakit sa tabi ko pa sila umupo. Punyetang buhay 'to.
Kinuha ko ang bag ko at lumipat ng upuan.
"Bakit niyo ba ako sinusundan!?" Lumipat din sila kung saan ang bago ko na upuan. Kainis! Walang ibang bakante sa bandang harap kaya kailangan ko tiisin ang kupal na 'to hanggang uwian. Si Sisiw lang naman ang nangaasar. Tahimik si Jestoni pero sinusundan niya parin ang kambal niya kahit saan mag punta.
"Hi nerd!" Pangaasar ni Sisiw sa akin. Nilayo ko ang armchair niya palayo sa akin.
"Pakipot ka pa, crush mo naman ako diba?" Pwe! Nasusuka ako! Kadiri! Nakakakilabot! Tumatayo balahibo ko sa sinabi ni Sisiw. Ew talaga.
"Kadiri!"
"Uy crush ako ni nerd." Tinusok niya ang tagiliran ko dahilan kung bakit ko siya nasapak. Tumawa naman ang iba kong classmates dahil sa ginawa ko. Si Jestoni rin nakitawa na. Sensitive kasi ang tagiliran ko. Nasuntok ko nga rin si Adrian nung ginawa niya 'yun sa akin e. Deserve niya naman ang suntok ko pakshet siya.
BINABASA MO ANG
Trouble Twins
FanfictionBrat, Spoiled, B*tch, at Bully lahat na ata ng negative na ugali na kay Sabrina na. Kaya hindi ka mag tataka kung bakit na-kick out siya sa dati niya na school. Sa kagustuhan niya na makabalik sa GHS para makapaghasik muli ng lagim doon, nag panggap...