Kabanata 1

13 1 0
                                    

The price of the gamble

Cards... I grew up watching my papa play cards, draw money, lose and win. At a young age, he brought me to his world where innocence is not vital.

" Pa... gutom na po ako."

" Puta maghintay ka! Minamalas ako ngayon!"

" Pa uwi na tayo, baka bumalik na si mama"

" Tang*na tumigil ka nga! Hindi na babalik yung hayop mong nanay!"

Noong una, pumupusta lamang siya sa maliliit na pasugalan sa aming lugar. It was true that he joined for money. Hindi stable ang pera namin simula ng iwan kami ni mama tangay ang ipon nila ni papa. Pero habang tumatagal ay palaki ng palaki ang kanyang pusta at palaki rin ng palaki ang mga pustahang pinaglalaruan niya. He was getting addicted, and I know.

Pagtungtong ko ng katorse, I stop going with him in casinos. I stayed at home at inaatupag ko na lang ang pag aaral. Mahirap sa akin na walang nanay. I have to take care of myself alone, I have to take care of papa alone. Kaya pursigido akong makapagtapos ng pag aaral, dahil gusto kong magkaroon ng sariling pera para mahanap si mama at para patigilin si papa sa pagsusugal.

Hindi naman lasinggero si papa, ngunit kapag natatalo siya ay inaabot ng umaga ang pag uwi niya ng bahay. He would always come home with girls younger than his age.

Kahit minsan ay napagbubuhatan niya ako ng kamay, kahit hindi niya ako napagtutuonan ng pansin, kahit araw araw siyang wala sa bahay, I remain the docile daughter of my father. Because I understand his side and his indifference towards me.

He remained like that for years, papa thought of me as nothing but his innocent and docile daughter. Alam niyang lahat ng sasabihin niya gagawin ko. Alam niyang susunod ako sa kanya. Even when he did not taught me of morals, etiquettes, life lessons and values, he knew I taught myself of these things.

Ako ang nagturo sa sarili ko kung paano gumalang, rumespeto, magpakumbaba at magpasalamat. Bata pa lang ako ay mulat na ako sa buhay namin, but I refrained myself to acknowledge the dark side of our life.

When I reached  nineteen, papa was still the same. But I did not know he would reach his gambling addiction to a point where he agreed to make me his bargain...

I am his daughter... or so I thought...

" Fione, magbalot balot ka na bukas." bungad ni papa nang mabuksan ko na ang pinto.

Ngunit napatigil ako sa kanyang sinabi...

"Pa?" Tanong ko dahil hindi naging malinaw sa akin ang kanyang mga salita.

"Mag impake ka na bukas. Hindi ka na titira dito."

"Bakit po pa? Saan na po tayo titira?"

Tuloyan ng pumasok si papa at padabog na sinara ang pintuan.

Kunot na kunot ang kanyang noo habang binalingan ako ng tingin.

"Hindi ako kasama, ikaw lang."

"Sa-saan po? Ba't ako lang pa?"

Hindi ko alam kung bakit sa bawat segundo at minutong pahaba ng pahaba ang usapan ay dumo doble ang tibok ng puso ko.

"Pa?" Tanong ko hinahanap ang kabyang mga mata nang hindi siya sumagot.

Isang mabigat na buntong hininga ang kanyang pinakawalan. Tila ba nahihirapan at hindi alam kung ano ang tamang sasabihin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 02, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Impeccable LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon