Chapter 1

2K 26 9
                                    

Reese was immediately assisted by one of the cabin crew as she put her things sa compartment ng eroplano. She's visiting her twin sister and grandfather in the Philippines.

She's been living in Germany for three years now but she always went home every 6months or whenever her grandfather requested her.

Like now, she needs to went home to make sure her grandfather is fine. Naospital kasi ito kahapon at kakalabas lang kanina.

"Uhm excuse me, can you please move a bit so that I can pass. Thank you." she said politely.

Nakaupo na kasi ang makakatabi nya sa business class ng flight na iyon. Her grandfather's secretary booked the flight for her though ininsist nya na kaya na nyang magbook ng sarili. Window seat sya kaya kailangan nyang daanan ito bago makaupo.

 Window seat sya kaya kailangan nyang daanan ito bago makaupo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napataas ang kilay nya ng hindi man lang ito kumilos. The guy was wearing a face mask habang nakapikit.

Tumikhim sya bago ulet nagsalita.

"Uhm excuse me. Can you please move and adjust your seat for a minute." sabi nya ulet dito.

Pero parang sinusubukan talaga nito ang pasensya nya dahil hindi man lang natinag ang lalaki.

"Ayaw mong umusog ah." bulong nya sa sarili at saka basta ito hinakbangan. Ngunit dahil hindi naman sya katangkaran ay nabitin sya ng hakbang dahilan para mapasubsob sya ng bahagya.

Hindi naman sya direktang nasubsob sa lalaki pero napahawak sya sa dibdib nito para kumuha ng suporta para hindi sya madapa sa sahig.

Napalunok sya ng maramdaman ang matipunong dibdib nito at ang mumunting kuryente mula sa pagkakahawak nya dito.

If glare can kill, she's sure that she's dead by now by how the guy looked at her.

"So-sorry." agad naman nyang inalis ang kamay nya na nakahawak sa dibdib nito at saka nagmadaling pumunta sa pwesto nya.

Isinuot nya ang hood ng jacket at saka humarap sa bintana.

"Nakakahiya....pero kasalanan naman nya eh." napatingin pa sya sa kamay nyang napahawak sa dibdib at saka napailing.

"Aah..aahh" dahan-dahan na pumalig ng pagkakahiga si Reese. Mula kasi ng makarating sya sa pwesto nya ay hindi na sya umalis sa pagkakaharap sa may bintana.

"Bakit parang ako pa ang may kasalanan eh sya naman ang dahilan bakit sya naistorbo sa pagtulog nya." litanya nya sa sarili saka umayos ng pagkakaupo.

Nakapikit pa din ang lalaki habang nakasandal. She's wondering if hindi ito nangangawit. Matangkad kasi ang lalaki kaya sa tingin nya ay bahagyang alanganin ang pwesto nito.

Ipinilig nya ang ulo.

Bakit ko ba sya poproblemahin, buhay nya yan.

"Uhm excuse me." tawag nya sa cabin crew na agad namang lumapit sa kanya.

Stallion Riding Club Series (Fanmade): KENZO YOOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon