-Present-
"So you're the real fiance of Kenzo?" tanong ni Miro ng hindi na ito nakatiis.
"Bakit may iba pa bang babae na nagclaim na fiance sila ni McKenzie?" agad na kumapit sya sa braso ng binata na agad naman ding inalis ni Kenzo.
"Hindi ka ba naniniwala saken? Why don't you call Lolo Sujin to confirm." nakangising sagot nya bago lumapit dito.
"Can you please stay away from me." pinigilan ni Reese na matawa dahil sa reaksyon na iyon ng binata.
Mainis ka, maasar ka.
"Paano ka nakapasok dito?" walang kaemo-emosyon na tanong nito sa kanya.
"Dumaan ako sa main gate." nakita ni Reese kung paano kumunot ang noo nito dahil sa kanyang sagot, hindi nya ineexpect na mag-eenjoy sya sa pang-iinis sa binata.
"Sinundo ako ng pinsan mong si Shin sa gate. I want to surprise you kaya hindi ko pinasabi na dadating ako ngayon. So surprise!!" she spread her arms wide after saying that while grinning.
Napafacepalm si Kenzo dahil sa ginawang iyon ni Reese na amused namang pinagmasdan ng ibang members na nandon.
"I'm very excited to finally see you! Actually I didn't sleep last night thinking about our first meeting." what she said was half true, since hindi talaga sya nakatulog sa pag-iisip ng gagawin niyang ito.
"You already see me, you can leave now." napanganga sya sa naging sagot na iyon ng binata.
Psshh Koreanong may PMS!!!
"Grandpa told me I can stay here to know you better. So starting today lagi mo na akong makikita dito sa riding club." deklara nya saka bahagyang lumapit sa binata na agad namang lumayo sa kanya.
May tinawagan ito sa cellphone nito. They're talking in korean.
Huminga ito ng malalim halatang frustrated ito sa naging resulta ng tawag na iyon.
"I told you I'm telling the truth." nakangiting saad nya ng balingan sya nito.
"You can stay at Guesthouse. Don't ever go to my villa and don't disturb me." napapikit si Reese ng mariin pagkarinig sa sinabing iyon ni Kenzo. They're testing each other.
Asa ka naman na gusto ko talagang puntahan ka don.
"Matitiis mo ba talaga ako? Hindi mo man lang ba tatanungin ang fiance mo kung nagbreakfast na ko? Dito ako agad dumiretso kasi akala ko matutuwa ka na makita ako." she said in a low voice before sighing. Tiningnan nya ito saglit saka bagsak ang balikat na tumalikod dito.
Narinig nya ang pagbuntong hininga nito kaya naman hindi napigilan ni Reese na mapasmirk.
"Go with me at Rider's Veranda." tuluyan ng napangiti si Reese ng marinig iyon.
"Sabi ko na hindi mo ko matiis. You care for me." excited na kumapit sya ulet sa braso nito na tinanggal ni Kenzo.
"We're not yet officially engaged so don't go overboard. I'm just doing it because my grandfather told me." maagap na sagot nito bago naunang maglakad sa kanya. Napangiwi naman si Reese dahil sa sinbi nito.
Bear it Reese, you need to help Via remember. Para din toh sa shelter. Koreanong may PMS!!
"Olivia! How's Mr. Serreno? " napatitig lang si Reese sa bumati sa kanya ng makarating sila sa Rider's Veranda.
"Hayden Ilano. We already talked about your proposal for our possible partnership." napanganga sya sa narinig.
Bakit ba ang daming nakakakilala kay Via at lolo.
BINABASA MO ANG
Stallion Riding Club Series (Fanmade): KENZO YOO
FanfictionThereese Helena Serreno- The cheerful free-spirited twin. She's up to a mission to help her twin sister. McKenzie Lioncio Yoo- He seldom talks and he's rarely awake. He loves to sleep more than anything else. Mess with him when he's awake but not wh...