-2 days earlier-
Agad na pinuntahan ni Reese ang silid ng kanyang Lolo Simon nang makarating sya sa mansion.
"Grandpa!" nagulat pa sya dahil walang tao doon.
"Si Grandpa?" tanong nya ng makasalubong ang isa sa mga kasambahay nila paglabas nya ng kwarto.
"Nasa garden....Via?" alanganing tanong nito sa kanya. Hindi tuloy nya maiwasang matawa sa paraan ng pagkakasabi nito.
Napahinto ang babae at nanlaki ang mata ng marealize na hindi siya si Via.
"Reese! Akala namin mamaya ka pa dadating."
"Ikaw manang ah, magtatampo na ko ilang buwan pa lang nung last akong nandito tapos ganyan ka na saken."
"Kung hindi lang sa pagngiti mo hindi na naman kita makikilalang bata ka." Tumawa ito kaya naman napanguso si Reese dito.
"Mas maganda ang smile ko kesa kay Via diba." Proud nyang sabi dito na tinanguan naman ng babae.
Dumiretso si Reese sa garden matapos makipagkwentuhan saglit sa kasambahay nilang iyon.
"Grandpa!" tawag nya ng makita itong nakaupo at masiglang nakikipagkwentuhan sa mayordomo nila.
"Thereese! Pinag-uusapan pa lang namin nitong si Robert na sunduin ka." Nakangiting baling sa kanya ng kanyang lolo na nag-abang para sa kanyang pagyakap.
"I want to surprise you kaya hindi na ko naghintay na ipasundo mo." Malambing na sabi nya sa kanyang lolo habang nakayakap dito.
"How are you feeling? Are you sure you're okay? Anong sabi ng doctor mo?" sunod-sunod na tanong nya dito na nakapagpatawa sa kanyang lolo.
"I'm doing just fine, you don't have to worry. Sabi nga nila mas malakas pa ko sa kalabaw. Hindi ko lang napansin ang mga kinakain ko nitong mga nakakaraang araw dahil sa sunod-sunod na imbitasyon sa akin ng mga kaibigan ko. Nag-iisa lang ako dito sa mansion kaya kailangan ko ding libangin ang sarili ko." Napabuntong hininga si Reese sa narinig mula sa kanyang lolo.
"Lagot ka kay Grandma kapag pinagpatuloy mo yan. Bakit ba kasi marami kang mga kaibigang mga bad influence." Pumalatak pa sya na mas nakapagpatawa sa kanyang lolo.
"Ano na lang ang gagawin ko kung wala kayo ni Via." Ginulo pa ng kanyang lolo ang buhok nya.
"I'm sure Grandma, Mama and Papa were proud of me and Via in heaven dahil sa pagpapalaki namin sayo." Ngumisi sya sa lolo nya ngayon ay mas naging malapad ang ngiti dahil sa sinabi nya.
Ten years old pa lang si Reese at Via ng mamatay ang kanilang magulang sa isang aksidente. Dahil don ay naiwan na silang magkapatid sa pangangalaga ng kanilang lolo at lola.
"Where's Via? Busy?"
"Kilala mo naman ang kakambal mo, pero sinabi naman nyang dito na sya didiretso pagkatapos ng meeting nya." Sagot nito habang iginagaya sya papasok ng mansion.
"Are you going to stay here longer this time?" napaangat sya ng tingin sa lolo nya dahil sa naging tanong nito.
"I don't know yet, maybe I'll stay for a month since I'll be having some activities sa shelter. And para mailayo ka din sa mga bad influence mong kaibigan." Tumawa sya pagkasabi nito ngunit agad ding nawala ang ngiti nya ng makitang seryoso ang kanyang lolo.
"Grandpa I'm fine now, being in the shelter ease me." She reassured her grandfather.
Buntong hininga lang ang naging sagot ng kanyang lolo sa sinabi nyang iyon pero halata ang pag-aalala dito.
BINABASA MO ANG
Stallion Riding Club Series (Fanmade): KENZO YOO
FanfictionThereese Helena Serreno- The cheerful free-spirited twin. She's up to a mission to help her twin sister. McKenzie Lioncio Yoo- He seldom talks and he's rarely awake. He loves to sleep more than anything else. Mess with him when he's awake but not wh...