C H A P T E R 1

335 13 0
                                    


"Jet,maaga ka ba uuwi mamaya?" Tanong ni Rissa sa kanyang asawa, pansin kasi nitong madalas na ang pag-uwi nito ng late. Dalawang taon palang silang kasal ngunit nitong mga nakaraang buwan ay ramdam na nito ang panlalamig nito sa kanya.

Sa halip na sagutin siya nito ay ibinaling nito sa iba ang paningin.

Nasaktan si Rissa sa pag walang bahala ni Jeth sa kaniyang tanong bagkus ay nagtanong ulit sya.

"Jeth,do we have a problem?" Tanong ulit nito na hindi tinatanggal ang pagkakatitig dito Hindi makatingin sa mga mata ni Rissa si Jet para bang iniiwasan nya ang tanong na 'yun.

"Would you please shut up??-- Stop nagging at me--- hindi mo ba alam na sobrang stress ko ngayon sa Company tapos dumadagdag ka pa" May pagkainis na singhal nito kay Rissa.

Bagamat nagulat si Rissa ay yumuko na lamang sya at humingi ng tawad "Ohh..sorry, si-sige" at iniwan na nito sa sala ang asawa at pumanhik sa kanilang kwarto.

Nagulat ito sa inasal ng asawa. Simula mag dalaga at mag binata sila ay may gusto na sila sa isa't-isa, nagmamahalan sila ng totoo ni hindi nga sila ng kakasakit dahil sa salita at sa unang pagkakataon napagsalitaan siya nito ng hindi maganda. Mahigit limang taon na din sila sa ganong sitwasyon At naisipang magpakasal sa edad na dalawangput dalawa. Ngayon parehas na silang 24 ng asawa niya. Masaya sila noon pero ngayon hindi nya lubos ang pagbabago ng kanyang asawa.

"What's happening to him? Wala naman ako sinabing masama Why did he acted like that? It's been 5 months.. Limang buwan na ako nagtataka sa mga kinikilos nya Or maybe dahil lang sa trabaho?" Usal nito sa sarili. Napailing sya dahil sa pagkalito.

Nagpatuloy ang ganoong sitwasyon nila.. Halos gabi-gabi nang hindi nakakatulog si Rissa sa paghihintay kay Jet. Halos manlamig na ang nakahain na pagkain na ipinagluto nya para sa kanya . Halos madaling araw narin ito dumadating. Halos araw-araw na lang syang naghihintay na makasabay sa hapag kainan ang asawa nya. Halos hindi na rin nila nagagampanan ang tungkulin ng bawat isa, bilang mag-asawa.

SAMANTALA

"Hon! Kelan mo ba balak sabihin sa asawa mo ha??" Naiinip na sambit ni Janice kay Jet. Gusto na kasi nitong masolo si Jet. Ayaw nyang may kahati. Ayaw nyang may kaagaw sya. Tama ka isa syang selfish. Pathetic. Gusto nya laging nakukuha ang gusto nya sa lalong madaling panahon.

"Soon." tipid na sagot ni Jet. Naiinis naman si Janice sa sagot ni Jet. Hanggang kailan sya magtitiis? Hanggang kailan sila mag tatago na may relasyon sila? Hanggang kailan nila ililihim kay Rissa ang sikreto nila?

"But! When??? Hihintayin mo pa bang lumaki ang tiyan ko?? Magiging kabit nalang ba ako!???" Sigaw ni Janice kay Jet. Niyakap na lamang ni Jet si Janice upang kumalma baka mapano kasi ang kanilang anak. Sa simpleng yakap ay kaagad na kumalma si Janice bagkus gumanti rin ito ng yakap.

KINAUMAGAHAN

"N-nagluto ako ng pagkain t-tara kumain na tayo? B-baka kasi lumamig" Nahihiyang sabi ni Rissa sa kanyang asawa.

"Ahm, busog ako. Magco-coffee nalang ako sa office." Malamig nitong tugon ng hindi nakatingin kay Rissa.

"O-okay. " Akmang hahalikan sana niya ang pisngi nito nang ilayo nito ang mukha. Yumuko sya sa kahihiyahan.

"B-bye! I-ingat k-ka." At tinalikuran na siya nito. Sinundan nya ito ng tingin nakita nyang papasok na ito sa loob lumingon sya kaya itinaas ni Rissa ang kanyang kanang kamay at nag ba-bye wave. Imbes na ngitian sya agad na pumasok na ito sa loob ng sasakyan at agad na pinururot ang sasakyan. Kusang tumula ang luha niya. Aaminin nyang nasasaktan siya. Nasasaktan siya kasi para kasi syang hangin na hindi pinapansin. Parang buhos alon ang luha ni Rissa na tumutulo sa pisnge nya. Ngumiti sya ng pilit.

Desperate WifeWhere stories live. Discover now