Kaibigan

2.9K 6 0
                                    

By:Angela Blossom Hirang

Kaibigan
yan ang salitang hinding hindi ko nakakalimutan
Mga ala alang nakatatak dito sa aking isipan
Mga lungkot at sayang aking naramadanan
Na kahit kaylan ay hindi mawawala at hindi lilisan



Kaibigan na laging nariyan
Sa mga panahong siya'y aking kailangan
Kaibigang hindi ko insahan
Ngunit dumating na lang ng biglaan



Di ko naramdamang ako'y magisa
Tuwing siyay aking naalala
Di ko man siya madalas nakakasama
Pag-ibig niya prain ay aking nadadama




Alam niya ang lahat ng aking kahinaan
Mga probemang aking dinaanan
Mga sakit na aking naramdaman
Mga taong ako'y sinaktan
Mga masasakit na salita na kanilang binitawan
Mga lungkot na sila ang dahilan




Ako'y kanilang ipinagtabuyan
Paunti unting sinasaksak sa aking lukuran
Di ko na alam kung ano aking mararamdaman

Ngunit


Naalala ko

meron pala akong kaibigan


Kaibigang kahit kaylan ay hindi ako iniwan
Lagi siyang nandyan
Minsan di ko namamalayan
Nandyan siya sa kasuluksulukan
Nag aabang upang akoy tulungan


Mga luha koy kanyang pinunasan
Mga lungkot ay pinalitan niya ng kagalakan
Mga sakit ay kanyang pinasan
Para lang saakin ay iparamdam
Na pagmamahal niyay hindi lilisan at hindi magwawalas kaylan man


Luha ko'y bigla na lang pumatak nung sinabi niyang
"Anak... Ako ito ang iyong tagapagligtas, ang daan,  ang pag-mamahal at ang diyos na hindi ka iniwan...  Ako rin ang ang kaibagan mong sadyang tapat... Anak ako ito... Wag kang mag-alala nandito lang ako. "


Sa dami ng pagsubok na dumaan
Ako'y kanyang inalagaan
Pinaramdam ang kakaibang pagmamahal
Na hindi maipaparamadam ng sino Man




Tunay ngang ako'y may kaibigan
Na aking masasandalan
Kaibigang pang walang hanggan


Siya si Jesus ....kaibigan ko...kaibigan nating lahat

~~~~~~~~~~~~~~
This poem was written  around july and was performed on july 25 ,2018 during an audition for the Friendship Week Spoken poetry...  This was the Very First piece i had performed in front of many people that's why its special to me

Hope you like it

You have a Friend in Christ

God Bless

TAGALOG CHRISTIAN SPOKEN POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon