May Silbi Ako

623 1 0
                                    


By: Angela Blossom Hirang

lungkot biglang kong nadama
Tila nawawalan ng pag-asa
Mga tanong saaking isipan
Ako wala,  bat meron sila?


Mga bagay na gusto ko
Pero di ko makamtan
Mga nais ko
Pero di ko masilayan



Mga liwanag biglang naglaho
Natakpan ng sinag ng mundo
Nawala ang aking silbi
Ninakaw,  tinapon sa tabi



Pero sabi niya
"Wag kang mag-alala
May silbi ka
Wag kang mawalan ng pag-asa
May silbi ka
Wag mong hayaang lamunin ka ng kanilang araw
Mas mahalaga ka
Maniwala ka
May silbi ka
Mahalaga ka
Dahil
May silbi ka
At dahil
Mahal kita."



Alam kong may mga bagay na meron sila na wala ako
Pero di ko hahayaan na dahil doon mawawala ako
Tuluyan man nilang ipakita ang kanilang liwanag
Mas ipapakita ko ang aking sinag



Sinag ng kaligayan
Sinag ng Pag-asa at pagmamahalan
Sinag ng tiyaga at tiwala
Sinag ng pagpapakumbaba




Na kahit lamunin man ako ng mundo
Ipaglalaban ko
Ipagsisigawan!
Na sa labang ito
Ako ang Panalo!




Oo,  natumba ako
Pero di sumuko
Tumayo ako
Dahil sabi ng Ama ko
May silbi ako




Oo, tama ang pagkarinig niyo
Ilang beses niyo man akong itago at lamunin ng buo
Hindi niyo ako matatalo
Dahil may kasangga ako



At sinabi niyang
"May Silbi Ako! "


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ginawa ko itong tula kahapon 10/23/19. Kasi nung mga nakaraang buwan as in napaka emotionless ko parang wala na akong lungkot na nararamdaman na parang ang normal ng buhay,  pero kagabi nalungkot ako at na-insecure.  Kasi marami akong kilalang magagaling kumanta, pero nalulungkot ako kasi ako di binayayaan sa talentong iyon.  Gustong-gusto ko talaga pero wala eh.  Pero sinabi saakin ngayon ni Lord sa devotion ko na "Stand Out" .

Oo may mga taong mas maga stand out sayo katulad ni Jude sa bible na kapatid ni Jesus at James.  Mas naga stand out mga kapatid niya pero di siya pinanghinaan ng loob,  sabi Niya "Defend your faith in the Lord." 

Madaling mag Blend in sa mundo. Pero dapat mag stand out tayo!  tho may mga bagay na meron sila pero wala ka!  Still alalahanin mong may mga bagay rin na MERON KA pero WALA SILA! 

MAY SILBI KA!  IPAKITA MO SA MUNDO ANG HESUS NA MERON KA!

I dedicate this to my Sister in Heart 💖💝 My Sunshine!  My motivation!  Ate loves you!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TAGALOG CHRISTIAN SPOKEN POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon