Halaga

12 0 0
                                    

Nakangiti na naman ang buwan kasama ng mga butuin sa kalangitan
Sabay sa pag ikot ng mundo ang pag karera ng mg tanong sa isipan ko
Sa mundong ang sigurado lamang ay pagbabago
Mananatili na lamang ba akong lito, sa kaiisip kung bakit hindi ako gusto ng taong gusto ko?

Heto't nakatingin sa kawalan
Habang pinagmamasdan ang pagpatak ulan
Nagtatanong sa sarili ng mga katagang:

Bakit mo hinayaang mahulog ka sa taong hindi ka naman magugustuhan?
Bakit mo hinayaang makulong ka sa sitwasyong napakahirap ng labasan?
Bakit ka sumuong sa bahang gusto mo sya, habang hinihigop siya ng kanal papunta sa iba, bakit nga ba?

Ititigil mo na lamang ba ang pag ikot ng mundo mo dahil lamang sa taong hindi ka gusto?
Batid mo bang napakarami ang tao sa mundo?
Na hindi mo kailangang ituon lahat ng atensyon mo sa taong ayaw naman sayo.
Sa pitong bilyong tao sa mundo, oo siya ang gusto mo.
Pero ang puno't dulo dito ay hindi ka niya gusto.

May mga tao lamang talaga  na hindi ka bibigyang halaga,
Pero hindi nangangahulugang wala kang kuwenta
Maaaring  sa iba ikaw ang mundo nila,
Hintayin  mo lang ang taong bibigyan ka ng importansya

Mahalaga ka, maniwala  ka sakin mahalaga ka,

Pleaaaase pleaaaaase voteee and commentt!! Para mas ganahan ako gumawa. Para din alam ko kung gusto nyo ba ginagawa ko 😩

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 21, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon