Chapter 1 (Them)
His POV
"Zeirrrreeeeeeeeellllll!"
-.- Anjan na siya. Ang ingay naman oh!
"Hoy gising! Gising na! Anong petsa na oh!" Sabi niya habang niyuyugyog ako.
"Zeirel! gising ka na! gusto kong pumasok ng maaga! dali na!" ge, tuloy mo lang ung pagyugyog sakin.
Oh, tumigil na siya, yes! balik muna ako sa tulog. 10 mins lang tapos babangon na ako.
"Bumili pa naman ako ng choco-choco para kainin natin, kaso mukhang tulog ka naman. Sige mauna na lang ako sa school" Dahil sa sinabi niyang yun, bigla akong napabangon. At pag tingin ko sa kanya ang laki ng ngiti niya.
-.- Wala pala siyang choco-choco. Kaasar! Naloko ako nito ah!
"Paano ba yan? Gising ka na? Maligo ka na nga! At kakain pa tayo sa kanto ng lugaw! Dali! Namiss ko na yung lugaw ni Aleng Chona!" Sabi niya sabay labas na ng kwarto ko. "You only have 15 minutes para maligo at magbihis. Kapag lumagpas, lilibre mo ko ng lugaw ah? Hahaha! Bye! Hintayin kita sa baba!" pahabol pa niya bago tuluyang bumaba at isara pinto ng kwarto ko.
At syempre nagmadali na ako. Aba! Ayokong mabawasan ang allowance ko dahil lang sa lugaw niya noh! Magkano din yun! eh ang takaw takaw pa naman ng babaeng un.
Pagbaba ko, nakita ko na siyang nagce-cellphone. Nagt-twitter na naman to panigurado. Haaaayyyy! Adik na tong si Best! Inagaw ko nga yung phone niya. Tapos inirapan ba naman ako.
"Ay! Ang taray ni Madam! May 5 minutes pa nga ako eh." Sabi ko sabay kindat sa kanya. And again, inirapan lang ako at kinuha lang niya ulit sakin yung phone niya. "Hahahaha! Sungit mo best! Tara na nga! Kakain pa tayo, gutom na rin ako eh!" Sabay ti-nap ko yung ulo niya.
• --- • --- • --- • --- •
"Hoy, Hoy, Hoy Best!" - Ako
"Oh bakit?" Sabi niya ng hindi man lang ako nililingon
"Baka gusto mo ng kumain? Kanina ka pa twitter ng twitter jan! I-confiscate ko yang phone mo eh"
"Ay sorry po tatay, eto na po kakain na po ako ha?" Sabi niya sabay subo tapos irap na naman. "Okay na po ba tay?"
"Ikaw kasi tong nagyayayang kumain ng lugaw tapos tweet ka ng tweet jan."
"Sorry naman, ini-spam ko lang si Calum, baka kasi sakaling mapansin na niya ako at i-follow."
"Tss." na lamang ang nasabi ko
"Oh, nagaaway ba kayo?" Nagulat ako sa nagsalita. Pagtingin ko si Aling Chona lang pala.
"Hindi po, pinagsasabihan ko lang po tong si Haidei, ayaw pa po kasing kumain." Sabi ko
Hindi na sumagot si Haidei. Kumain na lang kami at nagbayad na. Tapos nagsimula na kaming naglakad papuntang school.
"Pst!, Pst!, Ui, Ui Best!" Pangungulit sakin nitong si Haidei. Tinignan ko lang siya tapos sabay taas ng kilay na para bang sinasabi kong 'ano?'. "Galit ka?" Tanong niya. Nagtaas lang ako ng balikat at binilisan ang paglalakad. Narinig kong hinabol niya ako.
"Best naman eh!" Pagkasabi niya nun, narinig ko ang malakas na pagbuntong hininga niya. "Sorry" sabi niya. "Ano?" nagkunwari akong hindi narinig ang pagsorry niya dahil alam kong hindi madali ang pagsabi ng sorry sa kanya. Inaasar ko lang siya lalo XD Hahaha
"Sorry na" paguulit niya ng nakatingin sakin.
"Apology accepted" sabi ko, kaya naman bigla siyang ngumiti.
"Talaga?" tanong niya kaya naman tumango ako as a sign of yes. Napa-yehey naman siya kaya naman napasabi ko na lang na "Hindi naman kita matitiis eh"
"Ha? Anong sabi mo?" tanong niya na mukhang narinig niya ang sinabi ko.
"Alin? Hahaha, wala naman akong sinasabi eh. Tara na nga, ma-late pa tayo eh"
Ako nga pala si Alexander Zeirel Salvador. And I'm proud to say that I'm inlove with a Fangirl.
Her POV
"Kyaaaaaaaahhhh!, namiss ko kayo guyyyssssss!" sigaw ko habang tumatakbo papalit sa 2 kong kaibigan na nakasimangot.
"Hannah? Janine? Bat parang malungkot kayo? Namatayan ba kayo ng langgam? langaw? o gagamba? Aray." batukan ba naman ako. "Tong dalawang to! nagbibiro lang, pero seryoso, bakit ba kasi kayo nakasimangot?" sabi ko sabay pameywang. Nagpakawala muna si Hannah ng malakas buntong hininga.
"Gel, hindi na tayo magkaklase, pero magkaklase parin kami ni Janine." Derecho niyang sabi, pero alam kong pinagtitripan lang ako nito kaya tumawa ako ng malakas. napataas naman sila ng kilay.
"I know you guys, tini-trip niyo na naman ako eh, tara na nga sa loob ng classroom. San ba upuan niyo? ni-reserve niyo ba ako ng seat?" Napa "-_-" ganyan naman bigla ang itsura nila.
"Ang kulit mo Gel, ang section mo ay St. Frances, St. Monica kami. Tignan mo pa sa list ng students ng 3rd year." sabi naman ni Janine kaya tinignan ko na lang ung bulletin board na malapit samin para ma-sure kung anong section talaga ako.
Nganga.
"Oh ano? Naniniwala ka na ba?" Tanong ni Hannah kaya tumango ako. "Gel, sara mo na bibig mo, nakakaamoy na naman ako ng bawang eh. Naglugaw ka na naman no?" Tanong ni Janine ngunit hindi ko na pinansin kasi hindi ko ma-take na hindi na kami magkaklase. Paano kapatid na rin kasi turing ko dito sa dalawang bruha na ito.
"Taena! Hindi ko ma-digest na hindi na tayo magkaklase, grabeeeee nakakaiyak." sabi ko
"Don't worry, magkatabi lang naman section natin eh. Tsaka hindi naman magbabago trato natin sa isa't isa eh? Diba? Diba? Wala namang magbabago? Tayo tayo parin magkakapatid." wika ni Hannah tapos sabay-sabay kaming nagyakapan bago pumunta ng canteen at lumamon (yuck! ang pangit pakinggan eh XD )
Ako si Haidei Angela Gonzales and I'm very proud to shout out loud that I'm a Fangirl.
![](https://img.wattpad.com/cover/21989066-288-k670558.jpg)
BINABASA MO ANG
He's Inlove with a Fangirl
Подростковая литератураPrologue " Fandom! Fandom! Twitter! Twitter! Instagram! Instagram! 5SOS! 5SOS! " Yan! Yan na lang ang lagi mong bukambibig! Wala ka ng ibang ginawa kundi kalikutin ang phone mo! Wala ka man lang time para mapansin ako! Ano ba namang buhay to! Kaila...