Forever's Ending (Short-story)

19 1 0
                                    

6 years ago, dun kita sinumulang mahalin kahit hindi mo pa alam.

 Dun kita nakita sa bench nakaupo habang nakaheadset at nakapikit, ang gwapo mo pa rin kahit natutulog. Natawa ako sa sarili ko kasi never pa akong nacurious sa isang lalaki. First time ko magkainterest sa isang tulad mo.

Mukhang magkaedad tayo, ang tangos ng ilong mo.. Ang pula ng labi mo. May singkit ka pang mga mata at tayotayong buhok.

Akala ko simpleng crush at infatuation lang tong nararamdaman ko para sayo.

Nagkamali pala ko.

Tuwing nakikita kitang masaya at tumatawa, napapangiti na rin ako.

Pero bakit nakikipagtawanan ka sa ibang babae masaya ako pero may halong selos? Dun ko nalaman na...

Mahal na pala kita.

Araw-araw kitang inaabangan sa gate ng school natin para lang makasabayan ka sa paglalakad. Aaminin ko, kinikilig ako.

Lumipas ang mga araw, linggo, at buwan. Mas naging close tayo, naging magbestfriends pa nga tayo e. hahaha feeling ko tuloy ka M.U kita. 

Pero nagulat ako, may pinakilala ka saking babae. Pumunta ka pa sa room ko para lang ipaglandakan sakin na may Girlfriend ka na. 

Maganda ang girlfriend mo, matangos ang ilong, ang kinis ng balat, mahabang buhok, matangkad at maputi. Walang wala ako. 

Narealize ko na..

Oo nga bagay sila kapag tiningnan mo.

Ngumiti saakin ang girlfriend na halatang napakabait. Sinabi mong ako na muna ang bahala sa kaniya kasi may practice pa kayo sa basketball at sinabi pa sakin..

"Ingatan mo sya bestfriend, mahal ko yan." Bulong mo pa saakin.

Nasaktan ako.

Gusto kong umiyak ng umiyak pero wala akong magawa. Ikaw nagsabi saakin e? Tatanggi pa ba ko? Nakasama ko sya ng ilang oras, napakabait nya gaya ng angelic face nya. Napakaswerte mo sakaniya. Bagay talaga kayo.

Umuwi na ko sa bahay at handa ng matulog pero bumisita ka pa at sinabing

"Thank youbestfriend , di mo pinabayaan mahal ko" Parang nadurog puso ko ng araw na yon.

Ganyan talaga, mahal kita e.

Forever's Ending (Short-story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon