FE 3

16 1 0
                                    

Lumipas ang tatlong linggo at ganun pa din, madami ka pa ding excuse.

Hindi ko na lang sinasabi na alam ko kung saan ka nagpupunta.

Kasi hanggang ngayon hindi ko pa alam kung bakit kailangan mong magsinungaling sakin?

Bakit? Pwede naman sabihin yung totoo diba? 

Kasi lalo akong nasasaktan sa pagsisinungaling mo e. 

Namimiss na talaga kita.

Naaalala ko yung lagi mong paghatid sakin sa bahay at sa mga lakad natin. 

Napalitan na ko ng girlfriend mo, sa tatlong linggong yun puro na lang sya ang kasama mo.

Parang hindi na kita bestfriend. Pagnakakasalubong kita sa hallway, nagngingitian na lang tayo. 

Kasi masyadong kang busy sa girlfriend mo at wala ka ng time makipagkwentuhan sakin.

Hindi tulad ng dati na halos hindi tayo maubusan ng mapaguusapan at hanggang gabi tayo inaabot sa pagkukwentuhan natin sa mga nangyari ng araw mo.

Namimiss ko na yung bestfriend kong lagi tinatali buhok ko.

Naalala ko pa nga nun kapag haggard ako at tinatamad ng magtali ng buhok ikaw ang magsusuklay sa akin at magpoponytail kahit na kinakahiya yung ng ibang lalaki diyan

Sobrang proud ako sayo.

Tuwing may nakakasulubong akong classmate natin dati, nagtataka sila kung bakit di daw kita kasama samntalang halos di tayo mapaghiwalay dati. 

Ano bang nangyari satin?

Hindi na tayo ito. Siguro nga hanggang dun na lang ang story nating dalawa.

Forever's Ending (Short-story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon