FE 2

16 1 0
                                    

Lumipas ang tatlong araw at hindi mo pa ko hinahatid.

Iniisip ko na lang na busy ka lang talaga sa school at mga projects.

Kasi tuwing tinatanong kita dinadahilan mo sakin ang Projects mo.

Dapat ba kong maniwala?

Maniniwala ako sayo kasi bestfriend kita e.

Tinanong ulit kita kung ihahatid mo ako ngayon per ang sabi mo may assignments ka pang tatapusin kaya hinayaan na lang muna kita.

Hindi na lang siguro kitang istorbohin.

Pero naisip ko na tulungan ka kaya sinundan kita. Nagulat ako.

Hindi ka sa bahay ninyo pumunta, sa ibang bahay. ito ata ang bahay ng girlfriend nya.

Bakit kailangan mong magsinungaling sakin? Bakit di mo pa sinabi yung totoo?

Na mas pinili mo pa sya kaysa sakin.

Sabagay, bestfriend lang naman ako at girlfriend sya.

Tumulo nanaman ang luha ko, lagi na lang akong umiiyak ng dahil sayo! Nakakasawa na.

Pinabalik ko na kay mang driver sa bahay. At dun ako humagulgol. Nakakasawa na yung ganitong buhay.

Umiiyak lagi sa gabi.

Ang manhid mo.

Forever's Ending (Short-story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon