Kinabukasan, pumasok na ko.
Araw-araw akong walang gana pumasok kasi di naman kita classmate e, ang gusto ko lang naman lagi kitang makita.
Sabay-sabay tayong kumain sa canteen kasama na ang girlfriend.
Tayong tatlo lang.
Pero parang kayong dalawa lamang ang nasa mundong kung magsubuan kayo ng pagkain.
Gusto kong umiyak, pero lagi ko naman itong napipigilan.
Dapat masanay na talaga ko na nahahati ang oras mo saaming dalawa ng Girlfriend mo.
Nagpaalam na ako at pumasok na ng susunod kong klase.
Noong uwian, tinanong kita kung ihahatid mo ako sa bahay namin.
Lagi mo kasi akong hinatid e. Pero ang sabi mo
"Bukas na lang bestfriend! Mahal ko muna!" At nagpaalam ka saka kumaripos ng takbo palayo sakin.
Naisip ko, wag akong magseselos kasi baka isang araw lang yun no! Bukas ihahatid mo na ko sigurado ako dun!
Tinawagan ko na lang ang driver namin at nagpahatid. Oo may driver kami, kaya lang naman ako sumasabay sayo kasi gusto lang naman kitang makasabay.
Masama ba yun Bestfriend? Ganun kita kamahal.
Umuwi na ako at nagbukas agad ng facebook para tingnan lang ang wall mo.
Pero halos madurog nanaman ang puso ko ng makita kong nakainrelationship kayo sa isa't isa at may picture pa na magkayakap kayo.
Wala akong magagawa, girlfriend mo e.
Hindi ko na napigilan ang luha ko na tumutulo na ngayon.
Walang katapusang pagtulo.
Kahit ilang oras palang tayong hindi nagkikita, namimiss na agad kita.

BINABASA MO ANG
Forever's Ending (Short-story)
Teen FictionAyoko sa mga relasyon... Bakit? Dahil ang pakikipagrelasyon ay pansamantalang kaligayahan lang yan.. Masaya ka nga ngayon., sa susunod na buwan? taon? araw? Maghihiwalay at maghihiwalay kayo kahit gaano niyo pa kamahal ang isa't isa. May ibang nag...