ZHACKIE'S POV
MAAGA kaming pumasok at gaya nga ng inaasahan mabilis kumalat 'yong nangyari kay Luxford.Sa corridor pa lamang ay nagtsitsismisan na ang mga estudyante.
"Hey Zhack?"-tawag sa'kin ni Daimon na hinawakan pa ang balikat ko para masabayan ako maglakad.
"Ano?".
"'Di ba nahuli kayo kagabi?"-tumango naman ako bilang sagot "Edi nakita niyo kung paano pinatay si Kyzer?".
"Hindi eh,may nagpatay kasi ng ilaw that time then sumigaw lang si Luxford tapos pagkabuhay no'n may saksak na siya sa leeg"-paliwanag ko.
"Ah...sa tingin mo sinong pumatay?".
"Wala pa'kong ideya eh,kasi anim kasi sa room no'n eh".
"Sino-sino?".
"Ako,si Zach,si Zeith,Luxford,Isaiah saka si Akeelah"-tumango na lang siya sa'kin.
Pagpasok namin sa room ay kaunti pa lamang ang tao.Tinignan ko ang ang upuan dati ni Luxford.May isang papel na nakasulat ang katagang 'PAPANSIN',hand-written.
Si Luxford?papansin?Sino naman ang nagsulat nito?
"Ay anak ng kabayo!"-sigaw ko ng biglang sumulpot si Zapathia mula sa likuran ko "Bakit hindi ka man lang nagsalitang nand'yan ka pala?"
Itong lalaking 'to!nako!
"Edi mas nagulat ka kung nagsalita pa'ko?"-nakangising sambit niya.
Ay oo nga naman!'wag tanga Zhackie.
"Papansin?hmm".
"Hindi ko siya nakitaan ng pagkapapansin eh,paano nasabi sa kaniya 'yan?".
Tumingin siya sa'kin "Gusto mo bang malaman kung bakit papansin ang nakasulat diyan?"-tumango naman ako "Sumama ka sa'kin".
Nagpaumuna siyang maglakad kaya sumunod naman ako.Pumunta kami sa fourth floor ng building na'to.
"Baka hanapin tayo do'n,bakit walang tao dito?".
"Hindi tayo hahanapin do'n may sakit ang first lecturer natin ngayon.Walang tao dito kasi bawal ang mga estudyante dito".
"H-huh?eh,b-bakit nandito tayo?".
"Dahil simula nang pumasok ako dito ay dito na ang naging tambayan ko at never pa'kong nahuli dito".
"O-okay".
"Nasabihan siyang papansin dahil mula nang pumasok siya dito sa DDA,eh,lagi na siyang nagpapansin sa mga kaklase namin at lecturers,lagi siyang nasagot kahit hindi siya 'yong tinawag,gagawa siya ng mga nakakairitang bagay sa classmates niya kahit walang ginagawa 'yong classmate niya tapos tatawa-tawa pa siya".
"Ganoon ba talaga siya kalala para patayin?".
"'Yong last kasi niyang ginawa eh,hindi nakakatuwa".
"Ano naman 'yon?"-kunot na kunot na noo kong tanong.
"Iyong inuupuan ni Akeelah dati,nilagyan niyang nang kung ano-anong malalagkit na pagkain,eh,party namin 'yon kaya magaganda 'yong suot namin no'n tapos ginanon niya lang si Akeelah".
Si Akeelah na naman.
"Sa tingin mo,sinong pumatay?".
"I don't have any idea,tara na".
BINABASA MO ANG
DARK DEMON ACADEMY
Misterio / SuspensoAkademiya kung saan maaring ikaw ang suspek sa pagpatay