: News
(Three weeks before the outbreak)
-HS condominium; 10:17 am
Alisson's point of view
Tahimik at sobrang mapayapa ng umagang ito dahil ang tanging maririnig mo lamang ay ang nakakaaliw na huni ng mga ibon magmula sa labas ng kwarto ko.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga at saka nag-inat-inat saglit. Pumunta ako sa harap ng salamin para ayusin ang sarili ko, at saka lumabas ng kwarto ko.Weekend ngayon at paniguradong tulog pa si Yurica gawa ng kakapuyat, kaya ako nalang muna ang maghahanda ng agahan. Well, lagi naman ako ang naghahanda ng breakfast. Araw-araw pa nga ata e.
Pumunta ako sa kusina at naghanda ng makakain. Fried rice, fried eggs, bacon and milk lamang ang hinanda ko para sa agahan.
Maya-maya pa'y dumating na si Yurica.
"Ang bango kingina." bungad ni Yurica.
"Good morning, first!" bati niya sa akin, habang humihikab pa. Nag-inat-inat pa siya sabay kumuha ng dalawang pinggan at nilapag iyon sa lamesa.
"Ay, ang aga mo ha. Good morning din." sarcastic kong sabi. Akala mo naman ang aga ko rin nagising e 'no? Atleast mas nauna ako sa kanya.
"Oh, anong oras palang naman a?" tanong niya. Nilagay niya ang dalawang pinggan sa lamesa at sabay umupo.
"Anong 'anong oras palang naman a' ka jan? E, alas-dyes na ng umaga o!" angal ko sa kanya.
"Sorry naman! Hahaha!" sabi niya sabay tumawa habang ngumunguya ng pagkain. Nasaan naman manners niya 'no? Mabilaukan sana 'tong babaitang 'to.
"First, nabalitaan mo na ba?" Yurica asks out of nowhere matapos kaming kumain ng agahan. Nasa living room kami ngayon, nagbabasa ako ng japanese manga habang siya naman ay nagce-cellphone habang nakaheadset. Nanonood na naman 'to ng korean drama panigurado.
Speaking of First, first is our callsign. Yurica is my bestfriend since we were kids. And yes, we're living together. Masyado kasing malayo ang bahay nila sa school namin kaya naisipan niyang tumira dito sa condo malapit sa school, while me? Well, the reason is, family problems I guess?
"Ang alin?" I responded with another question.
"Na nagchampion daw si Sabrina sa national archery competition, tapos ilalaban din daw siya international." sabi niya, napatigil ako sa pagbabasa't napatingin sa kanya.
Sandali'y nakaramdam ako ng kaunting kirot sa puso ko. That should be me, but syempre I need to accept the fact.
"Ah, ganun ba? Edi ayos." sagot ko at muling ibinalik ang atensyon sa pagbabasa. Kunyare'y walang pake sa narinig ko.
"Yep, ang yabang na nga niya e! E mas magaling ka naman dun, sarap niya tuloy hambalusin!" gigil na sabi niya. Napatawa na lamang ako ng mahina.
Sabrina is our childhood friend too. Well, she's supposed to be our bestfriend until now. Yun nga lang, nag-iba na siya. Wala na talagang permanente sa mundo, lahat nagbabago. Tsaka 'di ko sinasabing yumabang siya pero parang ganun na nga.
"Bumalik ka nalang kaya ulit, first? Sayang naman kasi yang talent mo sa ganyan. Naku, kung marunong lang talaga ako ng ganyan e. Kaso pinanganak lang akong maganda, hayst." she continued.
"Alam mo naman kasi ang dahilan kung bakit ayaw ko nang bumalik sa ganyan." I said. I shoot a glance on her, nakatingin pa rin siya sa cellphone niya at animo'y kinikilig pa. Bastos na bata 'to, kinakausap ng maayos e.
Binato ko siya ng unan na siyang naging dahilan ng pagtingin niya sa'kin ng masama. Aba, aba!
"Aray!" she exclaimed. Maka-aray naman, parang unan lang e. "Pero alam mo, you should forget about the past na. Try to get along with them na kasi, wala namang mawawala 'di ba? 'Wag mong hintayin na pagsisihan mo yung panahong kaya mo pang makipag-ayos sakanila, panahong makakasama mo pa sila." seryoso niyang sabi na nakapagpatulala sa akin.
"By the way, 'di ba na-out of stock na tayo?" pag-iiba niya ng usapan.
"Oo." maikli ko namang sagot.
"Oh, tara na't mag-ayos!" tumayo siya at kumuha ng tuwalya sabay dumiretso sa cr. Napatakbo ako sa pinto ng cr ng maisara na niya ang pinto nang mapagtanto kong matagal nga pala siya maligo.
"First! Ako muna!" sigaw ko sabay kinalampag ang pinto.
"Ang bagal mo kasing kumilos e! Ako muna!" sigaw niya galing sa loob. Wala naman akong nagawa kundi ang maghintay. Isusulat ko nalang siguro yung mga bibilhin namin.
--
-At the mall; 11:54 a.m-
Nasa labas ako ng mall ngayon at hinihintay si Yurica. Katatapos lang namin mamili ng groceries, pauwi na sana kami kaso dumaan pa kasi siya sa watsons at may bibilhin pa raw siya. Skin care stuffs as usual, ano pa bang bago?
Habang hinihintay siya, napatingin ako sa dalawang babae na nag-uusap about sa isang cure daw para sa malubhang sakit.
Hindi ko ugaling makinig sa usapan ng ibang tao pero their topic is interesting.
"Beh, alam mo na ba yung nagt-trending ngayon sa facebook?" the girl with a pink dress asked.
"Yung ano ba? Bagong gamot raw sa malubhang sakit?" her friend answered with another question.
"Oo beh, Ang galing 'no? Pilipinas pa yung unang nakadiscover."
"Oo nga beh, nakakaproud."
Hindi ko ugaling makinig sa usapan ng ibang tao pero their topic is interesting, curious din ako kung anong gamot yun.
"Kaya nga e, madami kayang namamatay dahil —"
Hindi ko na pinakinggan pa ang susunod na sinabi niya nang makita kong papunta sa 'kin si Yurica. "First, tara na!"
Habang nasa byahe, 'di ko maiwasang isipin kung ano yung gamot na iyon. Like, anong klaseng gamot yun? Anong klaseng malubhang sakit ba ang kaya nitong gamutin?
Hm, search ko nga mamaya.
To be continued...
![](https://img.wattpad.com/cover/170584421-288-k907425.jpg)
BINABASA MO ANG
Rules of survival
Fiksi Ilmiah"If you want to survive, you have to follow the rules." --- Genre: Science fiction, thriller Language: Taglish date started: 12/21/18 date finished: --/--/--