Hindi ko alam kung anu ang dahilan kung anu ang pagkukulang ko. Basta nagising nalang ako naghanap na siya ng iba kahit kami pa.
Masakit? oo nasasaktan ako ng subra hindi ko kasi alam kung anu ang dahilan ng kanyang pag-iwan sa akin kung anu ang pagkakamali kung nagawa na hindi niya man lang sinabe sa akin ng naitama ko kung meron nga ba akong nagawang kasalanan.
Lalaban pa ba ako gayong alam kong may kahati na ako sa puso niya o susuko na ako. Gayong alam ko naman kung saan siya masaya.
Hindi ko alam ang sagot sa sarili kong tanung. Hindi ko masagot ang tanung ko sa Isip ko kung bakit niya ako isinabay sa iba kung bakit pa siya naghanap ng iba gayong nandito naman ako nagmamahal sa kanya.
Hindi ko kayang sagutin ang mga tanung na yan.. Lalaban pa nga ba ako gayong alam ko naman na ako talaga ang nauna o susuko na para hindi na ako masaktan. Walang sagot sa mga tanung kung bakit tayo nasasaktan kung bakit tayo iniiwan kung bakit naghahanap pa ng iba ang nga taong mahal natin at kung bakit hindi pa sila nakontinto satin.
Nagkulang nga ba ako o hindi ka lang talaga nakontinto sa pagmamahal na inalay ko sayo. Minahal kita ng buo pero nakaya mo pa akong ipagpalit at naghanap ka pa talaga ng iba at pinagsabay kami.
Ngayon alam ko na ang sagot ko sa tanung ko kung LALABAN PA BA AKO O SUSUKO NA. Gusto ko kang sagutin na lalaban pa ako pero kung lalaban pa ako masasaktan parin ako gayong alam ko na ako nalang ang lalaban mag-isa para maibalik ang dating masayang pagmamahalan nating dalawa.
Ang sagot ko sa tanung ko ay SUSUKO na ako. Para sa ikatatahimik ng lahat at sa ikatatahimik ng puso ko. Mahal kita pero hindi lahat ng panahon ay magiging tanga ako ng dahil sayo. At ito ang tandaan mo hindi ako sumuko dahil sa hindi na kita mahal dahil sumuko ako dahil yun ang tama sumuko ako dahil alam kong sasaya ka sa kanya dahil hindi ka naman maghahanap ng iba kung hindi ako nagkulang ng pagmamahal sayo. Dahil inaamin ko naman sa sarili ko na hindi ako perpektong tao at baka nga may nagawa akong kasalanan o baka nagkulang ako kaya mo ako ipinagpalit kaya tanggap ko na mahal ko na kasalanan ko kung bakit ka naghanap ng iba.
Kaya mahal ko. Magiging masaya ka sana at paalam dahil ito na ang huling salita na maririnig mo sa akin dahil hindi mo na ito maririnig ulit galing sakin kasi pinalaya na kita. Mula sa akin.