Pangalawa (Dorm)

51 9 0
                                    

Dorm

Molino University

Basa ko sa Bold Letters na nakasulat sa puting arko sa harap ng eskwelahan.

"D-dito po ako mag-aaral?" Tanong ko kay Manong.

"Hindi Ms. Alfuentes, baka diyan kayo magsisimba hehe" Sagot naman ni Manong sa'kin.

'Tss, so funny ka na niyan?'

"Halika na Miss Chanelle, kayo'y pumasok na't para makapaghanda na kayo sa pag-pasok" Sabi ni manong sabay buhat sa maleta ko.

Tiningnan ko ang orasan ko at nakitang alas-syete na ng gabi, halos 8 oras din ang itinagal ng aming byahe, mabuti't hindi ako nagutom dahil siguro sa dami ng aking nakain kaninang umaga o baka dahil wala lang talaga akong gana

Malaking gate ang biglang bumukas. Gabi na ngunit napakaliwanag ng loob kung kayat hindi ko mawari kung ano ang nasa loob nito.

Pagka-pasok ko ay agad akong namangha sa paaralang ito.

Paaralan pa ba talaga 'to?

This school is quite amazing, there's a lot of student. Mayro'ng mga bahay pero iisa lang ang mga palapag. Mayroong napakalaking kainan/cafeteria sa gitna at sa pinakataas ay makikita mo ang school ng Molino.

Agad kaming nag-lakad at pinagtitinginan ako ngayon ng mga estudyante.

'Gosh, so creepy.'

Hindi ko na lamang sila pinansin at nag-lakad ng nakataas ang noo. Habang naglalakad at pinagtitinginan ay tinawag ako ni Manong.

"Miss Alfuentes, saan kayo pupunta dito tayo oh" Sabi ni Manong.

Agad akong tinablan ng hiya.

'Sht lang'

Agad akong huminto, at bumalik sa lilikuan ni Manong. Hindi ko na lang pinansin ang ibang natawa dahil sa sinabi ni Manong.

"Teka nga, bakit pwede kang pumasok dito at bakit parang kabisado mo na ang eskwelahang 'to?" Tanong ko kay Manong na naglalakad sa harap ko.

"Don't ask so many things Ms. Alfuentes" Sabi ni Manong sa'kin.

'Whatever, aalis din naman ako sa eskwelahang 'to. Tss'

***

Sa medyo matagal naming pag-lakad ay agad nang huminto si Manong.

"Nandito na tayo Ms. Alfuentes" napatingin naman ako sa pinto no'n.

'School Service'

'What the hell? School Service? Psh, ano 'to? Baka pati 'tong papasukan namen biglang maging bus.'

Nang makapasok kami ay isang eleganteng office ang agad bumungad sa'min.

"Oh, come and seat here Ms. Alfuentes and Mr. Hidalgez." Sabi no'ng babaeng naka-upo sa swivel chair. May katandaan na ito ngunit flawless pa din ang skin niya. Her hair is tied with a messy bun kaya lalo siyang nagmukhang millenial.

Inusog ni Manong yung upuan ko at pinaupo ako do'n umupo ako at ganoon din siya—syempre sa isang upuan, 'di sa'kin.

"I'm Ms. Rodriguez and Ms. Alfuentes, you're aware that you'll be studying here right?" She said.

"I won't be here if I don't." Sagot ko habang naka-cross arms at nakatingin sa labas.

"Para kang Mommy mo." Sabi niya at agad ako napatingin sa kaniya napangiti siya at agad aking nag-iwas ng tingin.

"Oh well, this is your uniform and P.E uniform." She said sabay lapag ng mga iyon sa harap ko.

"And this key is the key to your dorm, and uh huwag kang magugulat sa makikita mo sa dorm mo and last, don't be late okay?" She said and smiled at me, I didn't response on her.

"Pumunta muna kayong cafeteria and eat your dinner." Sabi niya agad tumayo si Manong at sumunod ako sa kaniya.

'PG lang, psh.'

Nakapagtataka talaga na alam na alam niya ang lugar na 'to, and may pa-english-english pa siya, lols.

Nang makarating kami sa gitna ay madami nang estudyante. Pero ngayon ay hindi na nila ako tinitingnan.

Umupo kami sa isang mesa na pang-apatan at sabi ni Manong siya na lang daw oorder. Agad din kaming natapos.

Nagtungo na kami sa isang dorm, at agad binuksan ni Manong ang dorm at ibinigay sa'kin lahat ng gamit ko.

"Magandang gabi, Miss Alfuentes." Sambit niya tsaka umalis.

Pagka-tingin ko sa loob ay agad akong nagulat nang makita ko kung sino-sino ang nasa loob.

"Uyy chix." Gulat na sambit ng lalaking may orange ang buhok pero bahagyang ngumiti 'to sa'kin.

" Gulat na sambit ng lalaking may orange ang buhok pero bahagyang ngumiti 'to sa'kin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


'Oh great, just great. I will be with these boys in a dorm'

Molino University Where stories live. Discover now