Pancake
Gulat na gulat pa din akong naka-tayo sa harap ng pinto habang nakatingin sa tatlong lalaki na nasa loob ng dorm.
"D-dito ba talaga ang dorm ko?" I asked.
'Geez, I can't believe it. Mga lalaki ang makakasama ko?'
Bigla ko tuloy naalala ang sinabi nung nasa office kanina.
'And uh, huwag kang magugulat sa makikita mo sa dorm mamaya.'
"Hinatid ka naman dito ni Mr. Hidalgez so yeah, this is your dorm." sambit no'ng lalaking nagti-timpla ng gatas.
"Hellooooooooooooo! Welcome sa dorm namennnnnnn!" Sigaw no'ng lalaking blonde ang buhok. Lumapit ito sa'kin at inilapit ang kaniyang mukha sa mukha ko.
Tinulak ko naman ito dahil sa pagka-gulat ko at pati na rin sa kadahilangang hindi ako sanay na may lalaking malapit sa'kin.
Napa-usog siya at sapat na para magka-layo ang mga mukha namin.
"Grabe naman ang lakas mo!" Sabi niya. "Halika pasok ka na, ako na magdadala ng gamit mo" Sabi niya.
Bahagyang kukunin na niya ang gamit ko ngunit pinigilan ko siya.
"No need to, I can carry it anyway." Sabi ko at pumasok na sa loob at umupo sa may couch.
Hindi masyadong kalakihan ang dorm pero sapat na para magkasya ang apat na tao.
May Led TV ito at may isang mahabang couch at sa gilid ay may dalawang maliit na couch. Sa tabi ng TV ay may matangkad na lamp shade at sa kabilang gilid naman ng TV ay may halaman. Mayroong dalawang double-deck na kama, may medyo kalakihang table na may apat na upuan sa harap no'n ay mayroong L-shaped na lababo at sa kabilang banda ay ang Restroom.
Tumayo yung lalaking Orange yung buhok at lumapit sa'kin.
"At dahil bakante yung taas ng kama ko, ako sa top ikaw naman sa bottom" Sabi niya, sabay kindat sa'kin.
Pusangina, ba't parang may ibig sabihin yung Top at Bottom na sinasabi niya.
"Tss, matulog na nga kayo." Sabi no'ng lalaking nagtitimpla ng gatas, tumingin ito sa'kin at inirapan ako bago pumasok ng kwarto.
Hindi nila ito pinansin at saka nag-tanong na naman sa'kin.
"What's your name anyway?" Tanong sa'kin ni Blonde.
"Chanelle." Pagkasabi ko no'n ay akmang papasok na ako sa kwarto pero may humila sa kamay ko at inis na nilingon ito.
"Ano na naman ba?!" Inis na sigaw ko sa dalawa.
YOU ARE READING
Molino University
FanfictionSa iisang paaralan, hindi maiiwasan ang pagkakaiba ng section. Ibang section means iba din ang pakikitungo nila sa isa't-isa. Sa iisang section there's a different attitudes. Chanelle-siya ay isa sa mga dalagang babae na masama ang ugali, walang gin...