Goodluck, Badluck
Nandito ako ngayon sa CR, at naglilinis ng katawan ko.
'Bwisit na mga 'yon! Ginawa nila akong Pancake, humanda kayo sa'kin mamaya lalo na kayong tatlo'
Nang matapos ako ay agad kong kinuha ang isa pang pares ng uniform ko. Agad akong umalis sa dorm para bumalik sa klase ko.
'Yari talaga kayo sa'kin ngayon'
Nang nasa harap na ako ng pinto ay unti-unti kong binuksan ang pinto at nakitang nasa harap si JM.
Pumasok agad ako at napatingin ang iba sa'kin, ang iba'y humahagikhik, ang iba ay matalim ang tingin sa'kin ang iba naman ay walang pakielam.
"Oh nandito na ang transferee naten" Sabi ni JM.
"Hindi 'yan yung transferee, pancake na kaya 'yan " Sabi ni Theodore at nagsitawanan ang mga kaklase ko.
"Hah, so you think you're joke is pretty? Oh well yes it's pretty!" I said and smiled. Napangisi nama ito. "Pretty STUPID!" I shouted and flips my hair.
"WOAHHHHHHHHH!" Sigawan ng mga kaklase ko.
Hindi ko na lang uli sila pinansin at umupo sa pinakaharap malapit sa bintana. Lahat kasi sila nasa pinakalikod at ako lang ang nasa harap.
Nanatiling naka-upo sa harap si JM, umayos muna ito ng upo at ang kaninang mukha na nakangisi ay biglang nag-seryoso.
"Why did you chose this school?" Tanong ni JM sa'kin.
"I am not the one who chose this school." Sambit ko habang naka-dekwatro.
"Reall huh? Oh well sorry to tell you this but we don't need WEAK people like you here" Sabi niya at saktong tumunog ang bell.
Nawala ang mabigat na ambiance dahil sa sigawan ng mga kaklase ko.
***
Nandito ako ngayon sa Rooftop at kung tatanungin niyo ko kung bakit ay dahil bawal daw ang BS sa canteen.
'Pusangina, gutom na gutom na ako'
Nakarinig ako ng pag-bukas at napatingin ako sa likod ko.
"Sino ka naman?" Tanong ko, alam kong kaklase ko siya dahil parehas kami ng uniform.
"Ah, ako pala si Daevid!" Sabi niya at ngumiti. "Pasensya na pala sa mga kaklase natin ah?" Sambit niya.
"Nah, ayos lang teka nga ano ba ang BS?" I asked at napahagikhik naman ito.
"Bold Star" Sabi niya at ngumiti ng malaki.
YOU ARE READING
Molino University
FanfictionSa iisang paaralan, hindi maiiwasan ang pagkakaiba ng section. Ibang section means iba din ang pakikitungo nila sa isa't-isa. Sa iisang section there's a different attitudes. Chanelle-siya ay isa sa mga dalagang babae na masama ang ugali, walang gin...