Red's pov" halika na iha ,tayo na't magtungo sa hapag kainan ,alam kong gutom ka " utos ni ina kay iyah
Sumunod naman siya at umupo tabi ni ina
Nakatitig lang ako sakaniya at oo nga siya talaga ang babaeng yun ,ngunit bakit kaya siya'y nagpapakita saaking panaginip
" ataliyah , may naaalala ka ba sa nakaraan mo ? " tanong ni ina sakaniya
" opo, lahat po naaalala ko ,kailan ko po sila makikita ,lalo na po si aki ? " tanong niya kay ina .... sinong aki ?
" malapit na iha ,ngunit Hindi mo pa makikita si aki , dahil ang kuya niyo muna ang pupunta dito " paliwanag ni ina .... teka teka naguguluhan ako
" talaga po ? Kailan po siya darating ?" Tanong ulit niya
" maghintay ka lang at darating na sila , oh siya kumain ka na muna " utos ni ina sakaniya
At ito ako ngayun , naguguluhan sa pinaguusapan nila .
Sino si aki ?
At sino yung kuya ?
Ano ? D ko maintindihan , sino ba talaga tong babaeng to ?Minabuti ko nalang tumahimik ,dahil sabi ni ina pag nag ingay raw ako ,mapaparusahan nanaman ako gaya ng dati
Makalipas ang tatlumpung minuto ,natapos rin kaming kumain
" red , gusto kong samahan mong maglibot si iyah sa ating palasyo " nagulat ako sa utos ni ina
" ngunit bakit ina ?! Takang tanong ko
Ng lumaki ang mata niya ay ,wala na akong nagawa kundi ay sumunod
" masusunod po ina " sapilitang sabi
" oh sya iha , kayo muna'y maglibot dito sa palasyo ,upang makabisado mo na ang mga lugar dito " utos ni ina
" masusunod po mahal na reyna" sabi niya at tsaka siya tumayo
" oh Hindi iha , wag mo na akong tawaging mahal na reyna ,tawagin mo nalang nakong mama " nakangiting sabi nito
Ano nanaman ang binabalak ni mama ,jusko .
" halika prinsesa ,at dito ang daan patungong labas " sabi ko sakaniya ng Hindi tumitingin sa kaniyang mata
Ano bang nangyayari saakin ? Bat ako nagkakaganito , hindi naman siya kagandahan , mali ,oo maganda siya ,pero dapat d na ako mahulog pang muli .dahil sa bandang huli ,iiwan rin lang ako ... ano bayan ,ano bang pinagsasabi ko .
" sige po prinsipe " nakangiting sabi niya
Tinuro ko sakaniya ang mga lugar lugar ,para naman d siya mawala gaya ng sabi ni ina.
" kuya ! Ano po yun ?" Nagulat ako sa tanong niya , kuya ? Ako ?
" ahy pasensiya po ,prinsipe po pala ,gusto ko pong tanungin kung ano pong klaseng nilalang yun " sabay turo sa malaking parobon
" yan ay parobon ,isang nilalang na kalahating paro paro at kalahating ibon " paliwanag ko
" ganun ? Mabait ba siya ? Nagiisa lang ba ang parobon na yan ? Pwede ko ba siyang sakyan ? " sunod sunod niyang tanong hahaha napatawa tuloy ako
" oo mabait siya pero pag sinaktan siya ,nangangain yan , hindi siya nagiisa ,napakarami nila dito sa palasyo , tsaka oo pwede mo siyang sakyan basta tawagin mo lang siya at hipuin ang kaniyang noo bago sumakay. Bakit ? Gusto mo ba siyang sakyan ngayun ? Sakto para makita mo ang buong palasyo " sabi ko sakaniya
" pwede ? Pero dapat kasama ka , hindi pa ako sanay " tuwang tuwang sabi niya
" sige , at tatawagin ko siya " sabi ko
BINABASA MO ANG
miss piggy
Teen FictionHindi naman masama maging mataba , basta kain ka lang ng kain . Pero kung kapalit pala nito ay ang paglalait, pagaabuso ,at pangaapi lalo na kong tawaging BABOY ay hindi na tama. Hindi sila hayop ,gaya ng pagtingin ng ibang tao sa kanila dahil sa K...