Ataliyah's pov
Nandito kami ngayun nakaupo sa hali hall ,kung saan dito makikita ang trono ng reyna at ng prinsipe sa taas ng isang stage.
Dito nila cenecelebrate ang mga party party , tsaka dito rin nila wenewelcome ang nga bisita o bagong tao .
Sabi kasi ng reyna , may mga darating raw na bisita at makakasama namin sila sa pagtratraining .
Isang linggo na ako dito ,at namimiss ko na sila aki at kuya . Gusto ko na silang makita . Kailan ko kaya sila makikita . Kapag tinatanong ko sa reyna yun , ayaw niyang sabihin kung kelan . Hayyst
Habang hinihintay namin yung mga darating na bisita , d ko maiwasang mapatingin kay red. Ang gwapo niya ,lalo na kapag tinititigan mo siya ng mabuti . Sobrang bait niya saakin ,parang may kuya ulit ako . Naalala ko sakaniya si kuya ian .
Masasabi kong , best friend ko na talaga siya . Parang magkakabata tuloy kami . Kasi iisang linggo ko palang dito ,ang ganda ng trato niya saakin . Parang trinatrato niya ako bilang isang kapatid. Kaya salamat sakaniya
" tinititigan mo nanaman ako " pamimilosopo niya
" bakit ? Bawal hehe" sagot ko tsaka nginitian siya
" hindi naman sa ganun liyah , ammh medyo naiilang lang ako " paliwanag niya .. ang cute niya tuloy , tsaka ang cute niya magsalita ng malalalim na salita.
" ganun ba ? Heheh sorry , ang bait mo kasi sobra " sabi ko tsaka pinisil ang mga pisngi niyang malambot
" ahh ,masakit iyon liyah , humanda ka mamaya't ako'y babawi sayo wahaha" nakangising sabi niya
" kung kaya mo wahaha " tsaka ko ulit pinisil ang pisngi niya
" ehem " napatigil kami ng magsalita ang reyna
" ma , bakit napakatagal ng ating mga bisita ? " tanong ni red sa mama niya
" maghintay ka lang rojon , parating na sila at kayong dalawa , ihanda na niyo ang inyong mga sarili " utos ng reyna kaya tumahimik kaming dalawa
Makalipas ang isang minuto , may dumating na kawal at itoy lumapit sa reyna .
" nanjan na po sila mahal na reyna " sabi nito at tsaka na umalis
Omooo , bat parang excited ako ? Ewan ahaha ,baka may babae akong makakasama omoo hehehe
___________________________________
[Bago sila pumunta sa mundo ng maharka .....]
blue's pov
" ian sigurado ka ba sa gagawin mo ? " tanong ko kay ian habang inaayos ang gamit namin
" oo , Hindi ko kayang gisingin si aki " sabi niya habang nakayuko
" ano ka ba , mas lalong magtatampo sayo si aki .kapag hindi ka nagpaalam sakaniya ." Pagpupumilit ko sakaniya
" mag iiwan nalang ako ng liham , maiintindihan naman niya ako siguro . Tsaka okay na kami kagabi , nakikipagbiruan pa nga siya " sabi niya habang kumukuha ng papel
" ian , mas mabuting magpaalam ka kay aki . Kasi ako rin gusto ko mag paalam " nagulat siya sa sinabi ko tapos biglang tumawa
" sige na nga ,naawa ako sayo haha, matagal na Hindi mo pala makikita ang kapatid ko . " asar niyang sabi
" epal , gusto ko lang kasing mag paalam ka " sabi ko
" oo na , oo na dun ka muna sa sala. May inihanda kasi si manang na pagkain bago tayo umalis . Tsaka pakitawagan nalang sila ram at jc para sabay sabay tayong pumunta don sa lagusan na sinasabi nung matanda " tumango nalang ako at umalis ng kwarto niya
BINABASA MO ANG
miss piggy
Teen FictionHindi naman masama maging mataba , basta kain ka lang ng kain . Pero kung kapalit pala nito ay ang paglalait, pagaabuso ,at pangaapi lalo na kong tawaging BABOY ay hindi na tama. Hindi sila hayop ,gaya ng pagtingin ng ibang tao sa kanila dahil sa K...