First day of school

13 0 0
                                    

It was 7 o'clock on the morning gumising ako ng maaga para makahanda ng mga gamit ko papuntang school. Nagligo ako at bumaba ng kwarto eksakto natapos na ang nilutong ulam ni mama ang paborito kong adobo.

" Good morning ma." Pagbati ko sa kanya.
"Oh ang ganda ng umaga mo auh Good morning din anak." Pabalik na bati ni mama na may bakas na ngiti sa mga labi sabay kiss sa pisngi ko.
" Maganda talaga ang gising ko mama first day panaman kailangang dapat magwapo ang awra ko para maging maganda ang pagkapasok ko sa school diba?." Sagot ko kay mama.
" Hahaha sige anak dapat talaga na maging gwapo ka diba para maraming babae ang maakit sayo." Pabirong sabi ni mama.
"Ikaw talaga ma niloloko mo naman ako." Tawang sabi ko.
" Pero sa totoo talaga anak ang gwapo mo kaya palagi ka dapat nakangi lalo kang gumugwapo." Seryosong sambit ni mama.

Pagkatapos kong kumain ay dumiretso ako sa school na may bakas ng ngiti sa aking mukha. Pagkatapos ng flag ceremony ay dumiretso ako sa locker ko para ilagay ang mga gamit na di ko pagagamitin. Pupunta na sana ako sa classroom kaso may nasagasaan akong isang babae natulala ako sa angking nitong ganda kaya nabubulol akong magsalita.

"S-sorry ahmmm miss?." Bulol na tanong ko sa kanya.
" Auh ok lang yun di mo naman sinasadya eh ok lang." Sagot nya sabay ngiti sa akin.

Lalo na talaga akong nahihiya sa kanya di ko alam ang gagawin kaya ngumiti nalang ako ang ganda nya para syang diyosa di ko mapigilang mamula kaya tinakpan ko nalang ang mukha ko.

" Ahmm Cassandra pala transferre ako dito." Dagdag nya.
" Drake senior ako rito. Ikaw anong year kana?." Tanong ko sa kanya.
" Ah senior na din ako....Pwede bang magtanong?" She ask.
" Osige ano yun?". Pagbigay ko ng pahintulot sa kanya.
" Pwede bang maging friend kita? Wala pa kasi akong kakilala rito eh but promise hindi ako magiging pasaway sayo." Sagot nito. Lalo na talaga akong namula rito ngumiti pa sya sa akin baka napansin nya na namula na ang pisngi ko? Tanong ko sa sarili ko. Umiwas ako ng tingin sa kanya.
" Ahmm of course pwede tayong maging magkaibigan." Sagot ko naman.

Sabay kaming pumasok sa classroom magkaklase din pala kami Stem din pala ang kinuha nya. Pagkapasok namin sa classroom eh maraming  sa amin pati narin ang mga kaibigan kong baliw may iniisip namin silang kalokohan eh tumingin sila ng masama sa akin mga bwes*t nito. Umupo na kami sa assign chairs namin. Nasa unahan ako tapos nasa linkuran ko lang sya kaya ayun kailangan kung magpakitang gilas.

*BREAK TIME*

"Drake sabay tayo."
"San?"
"Bibili ng pagkain hindi ka ba kakain?"
"Hindi."
"Bakit?"
"Busog ako eh." Busog na ako pag makita lang kita.
"Auh ganon?" Lungkot na sambit nya.
"Sige nalang nga sasabayan nalang kita." Di kasi ako makatiis sayo eh.

Pumunta na kami sa canteen para bumili ng makakain. Sa di inaasahan ako pa ang nagbayad wala talagang hiya ang babaeng to oh mabuti nalang mahal ko sya hindi ako makahindi sa kanya.

"Grabe naman akala ko panaman na ikaw ang maglilibre sa akin pero ako pa pala." Naiinis kong sabi sa kanya.
"Aba fyi wala akong sinambit na ililibre kita no?" Sagot naman nito.
"Osige na wala naman ako magagawa eh...sige na kumain kana dyan para makabalik na agad tayo sa room." Patampo kong sinabi.

Pagkatapos nyang kumain ay agad kaming bumalik sa classroom. May nagkukulitan, nag aasaran, at may natatampuhan yan ang mga nakikita namin sa classroom ng makabalik kami. Hapon na ng alas 4 ay mag uuwian na pumunta ako sa locker para ilagay ang mga gamit.
Nang....

"Drake..."  may isang pamilyar na boses na narinig ko. Nang tumingin ako sa likod ko ay nakita ko si cassandra parang may bakas ng lungkot sa kanyang mukha.
"Oh bakit parang mukha kang malungkot may problema ba?" Tanong ko sa kanya.
"May favor sana ako pwede ba?" Sagot namn nito.
"Sige ano yun?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Pwede makisabay pauwi?" Pacute na sabi nito.
"Oo ba pero san ka ba umuuwi?" Diretso kong tanong sa kanya.
"Sa divine homes malayo layo kasi yun tapos wala pa akong kasama pauwi alam mo naman maraming adik.... kaya kung pwede lang na
makisabay pauwi?"

"HAYST SA DIVINE HOMES MAN PALA SYA NAKATIRA OMG BAKA MAGKAPITBAHAY LANG KAMI NITO. ORAS KO NA PARA MAKAPALAPIT SA KANYA." Bulong ng isip ko.

"Auh sa divine homes ka pala nakatira?" Patay malisya kong tanong.
"Oo dun ako nakatira..lumipat kami dun ng ilang buwan na nakalipas." Sagot nito.

Nang nahatid ko na sya sa bahay nila ay di ko na napigilang tumili na parang babae. Tumingin muna ako sa kanya bago umalis iniwanan naman ako nito ng isang matamis na ngiti. Nang makaabot ako sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto ko mga alas 10 na ng gabi ako nakatulog. Di ko sya maalis sa isipan ko sa mga ngiti palang nya natutunaw na ako hahaha grabe talaga ang tama ng babae to sa akin eh baka ginayuma ako nito? Bahala na nga matulog na ako para bukas makita ko naman ang matamis nitong ngiti at magandang tinig.

CAN YOU BE MY GIRL?Where stories live. Discover now