1- Before

76 5 0
                                    

One Year Earlier...

          "How many times do I have to tell you, Ami? Hindi kita mahal at kahit kailan, hindi kita mamahalin!" He said with his angry tone and grabbed me by my shoulders. Tumutulo ang luha ko for this man that doesn't even know how to love me. Not even be friend me. Bakit siya pa ang minahal ko?

          "Bakit ba hindi mo ako kayang mahalin, Caleb? I get that you don't like me that way pero bakit ganyan ka?" Umiiyak na sabi ko at nasasaktan na ako sa pagkahawak niya sa 'kin pero hindi ko ininda 'yon.

          "Kung masama akong tao para sa'yo, why don't you just leave me?" Mariing sabi ni Caleb at iyak ako ng iyak. Is it stupid to fall for him? Am I wrong to fall for him? Mahal ko siya at maiintindihan ko naman siya kung hindi niya 'yon kayang tugunan. But he treat me like a slave.

          Once, my parents decided to have a fixed relationship with me and Caleb, I love him since then. At hanggang ngayon walang nagbago. Pumayag ako sa fixed relationship dahil mahal ko si Caleb at para naman may magawa ako para sa mga magulang ko, because they always say na buti pa si ate Janna at siya may nagagawa.

          "Mahal nga kita kaya hindi kita iiwan." Mahinang bulong ko pero rinig pa rin 'yon ni Caleb kaya mas lalong humigpit ang pagkahawak niya. This is hell for me.

          "I'm done with you, Ami!" Sigaw niya sa 'kin, t'saka niya ako binitawan then he stormed to the other room. Umupo naman ako sa sahig at umiyak. No wounds can level the ache in my heart. I thought you can learn to love someone, but then I was wrong. He didn't learn to love me at sobrang sakit na hindi man lang niya ako tanggap.

          "Bakit nagkaganito? Bakit hindi mo ako matanggap, Caleb?" Tanong ko at alam ko na rin na walang sasagot sa mga tanong ko.

          He doesn't go out with other women and only goes out with his friend, he comes home drunk and about a few times we lay on the bed, naked, kissing each other. Pero kahit 'yon ang nangyayari, there's no emotion except for lust. Walang pagmamahal at pagnanasa lang ang nandoon.

          "I hate this God damned life." I said to myself and cried even more.

          "Bakit ba hindi ka pa rin gising? Male-late na ako sa trabaho ko e!" Bungad agad sa 'kin ni Caleb at tumingin ako sa orasan. 8:00 A.M. na. Nakalimutan ko na kailangan ko pa siyang ipaghanda ng agahan.

          "Sorry, ipagluluto na kita." Yumuko ako at lumapit sa my stove pero tumayo naman siya at umiling na lang.

          "'Wag na lang, nakakawala ka rin naman ng gana e." Sabi ni Caleb at saka na lang niya inayos ang sarili at umalis na ng bahay. Hindi na rin ako kakain. Nawalan na rin ako ng gana dahil hindi ko na ma-compose ang sarili ko.

          Pumunta ako sa may gate ng bahay at nandoon ang driver namin. Tinawagan ko si Manong Lester at lumapit naman siya sa 'kin.

          "Bakit po, ma'am?" Tanong niya at ngumiti lang ako ng matipid bago sumagot sa tanong.

          "Aalis lang muna ako, Manong Lester. Kayo po muna ang bahala sa bahay namin." Sagot ko at tumango lang ito. Hindi na rin ako magpapahatid kasi gusto ko munang mapag-isa. Kinuha ko ang susi ng kotse at saka ako pumasok sa loob at nag-drive. I'm not gonna be with anyone. Tutal, hindi naman malalaman ni Caleb na umalis ako dahil lagi na lang siyang late umuuwi kasi lagi siyang nasa bar kasama ang mga kaibigan niya.

          The only thing that I want is to spend more time with him kasi pagdating ng annulment papers namin ay alam kong pipilitin niya na akong pirmahan 'yon. At alam ko na rin naman sa sarili ko na maguguho ako kapag walang proper closure o bigla na lang akong aalis kaya titiisin ko lahat ng mga bagay.

          "Mahal kita, Caleb. Sana kahit minsan alalahanin mo 'yon." Bulong ko na parang baliw na walang kausap. The real deal is that I don't know what to do to make him fully accpet me. May oras pa nga ba para matanggap niya ako?

          I'm not tearing up or crying. I simply just cry on the inside kasi parang bulag na ang mga mata ko sa kakaiyak ko. I cry when I'm in pain kaya alam ko na kapag hindi ako nag-hold back, araw araw akong iiyak at hindi ko na alam ang magagawa ko.

          "Baka sakaling mahalin niya rin ako." Sabi ko pa pero alam kong imposible nang mangyari 'yon at umaasa lang ako sa wala.

          My life is so miserable. Parang ayoko na pero ito ako, lumalaban pa rin kahit na alam na alam ko nang walang patutunguhan ang ipinaglalaban ko. I'm simply in love and I don't understand myself.

          Bakit kailangan ko pang ma-in love sa maling lalaki? Bakit hindi na lang ang iba na gagawin ang lahat para lang ipakita sa pinakamamahal nila kung gaano sila kaimportante. Pero mahal ko si Caleb at wala na ata akong magagawa tungkol do'n. I completely fell and now I'm suffering.

          Lagi na rin namang ganito. I think to myself and asked questions that nobody's going to answer. Nagtatanong kahit wala namang sasagot sa 'kin.





-Cold Hearted Bitch

Wind Of Love [KyRu]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon