Enjoy.
Sam
Nag-iimpake ako ngayon ng mga gamit namin ni Mama. Ngayong araw kasi ang alis namin papunta sa Maynila. Alam na rin ni Papa ang nangyari kay Mama at pauwi na siya ngayon.
Nang dumating ako dito ay hinanap ko agad si Matt pero huli na nang malaman ko na umalis na ito at umuwi sa Maynila kung saan siya nababagay.
Alam kong saan siya sa Maynila at hindi naman siguro magkokrus ang landas namin kapag doon na kami nakatira dahil sa malaki naman ang Maynila at kampante ako na malayo ang titirhan namin sa bahay nila Matt.
Sigurado akong ayaw ni Senyora na magkita kami ni Matt dahil siya na mismo nagsabi na hayaan ko na siya at layuan. Kapag nagkita kami ni Matt ay makakagawa lang ako ng iskandalo dahil baka hindi ako makapagpigil at masaktan ko siya. Ipagdasal lang talaga niya na hindi kami magkita.
Natapos rin ako mag-impake at agad akong lumabas sa bahay namin. Dumaan ako sa mansion at doon nakita ko sina Lola Maring at Ate Maria Fe.
Lumapit ako sa kanila at nagpaalam. Naging parte na rin sila ng buhay ko dahil sila-sila lang din naman ang kasama ko dito mula pagkabata hanggang sa aking paglaki.
"Paano ba yan aalis na kayo. Mag-iingat kayo doon ha. Ikaw alagaan mo ang Mama mo at ang sarili mo. Mamimiss kita Sam." Ang maluha-luhang sabi ni Lola Maring. Niyakap niya ako at niyakap ko rin siya pabalik.
"Sam mag-iingat ka dun ha, Maynila yun at baka magahasa ka, masyado ka pa namang cute. Huwag mo kaming kalilimutan ha, at tsaka send-dan mo ko ng picture kung ano ang itsura ng Maynila kapag nandon ka. Mamimiss ka namin Sam pati na rin si Ate Gretchen." Si Ate Maria Fe sabay pahid sa kanyang luha.
"Oo naman. Kayo rin ha, mag-iingat kayo dito. Walang limutan. Tawagan nalang tayo kung kay oras. Sobrang mamimiss ko kayo." Ang tugon ko na hindi mapigilang mapaluha. Nag-group hug kami bago ako umalis.
Hinatid nila ako hanggang sa labas at hinintay makasakay. Habang lulan ako ng tricycle ay kumakaway ako sa kanila tanda ng pagpapaalam.
Hinding-hindi ko sila makakalimutan kahit anong mangyari sa amin sa pakikipagsapalaran namin sa Maynila.
Wala akong alam kong ano ang naghihintay sa amin doon. Maganda ba o panibagong pagsubok pero kung ano pa man yun ang kailangan ko lang ay ihanda ang aking sarili sa pagharap sa magulong lugar na iyon.
***
Dumaan ang isa at kalahating buwan ay naging maayos ang aming pamumuhay dito sa Maynila. Nakalabas na ng hospital si Mama noong nakaraang linggo pa.
Wala kami naging problema sa gastusin sa pangospistal ni Mama dahil si Senyora ang nagbayad ng hospital bill gaya ng sinabi niya. Ang bahay naman na pinatitirhan sa amin ni Senyora ay masasabi kong maganda kahit di gaano ka laki. Nasa loob pa ito ng isang subdivision.
Naging madali naman ang pag-adapt ko dito sa lugar namin sa katunayan ay may kakilala na ako dito at naging kaibigan.
"Anak nandito si Jacob o, hinahanap ka." Sigaw ni Papa mula sa labas ng bahay.
Nandito na rin si Papa noon pang dumating kami dito ng isang linggo. Hindi nawalan ng trabaho si Papa bagkus ay driver pa rin naman siya ni Don Frollo tuwing Lunes hanggang Sabado. Hindi naman malayo ang pinagtatrabahuan niya dahil nandito rin kasi namamalagi si Don Frollo sa Maynila dahil nandito ang main branch ng kompanya nila.
BINABASA MO ANG
Submissive Much [(BxB)]
Teen FictionHighest Rankings: #1 in teenfiction #2 in love Si Top na naghahabol kay bottom. Si Bottom na study first. Si Dominant na walang ibang ginawa kundi magtake advantage kay submissive. Si Submissive na nagpapaubaya nalang dahil sa kailangan. Si Boy na m...