Scian"Nakapag-impake ka na ba? Handa na ba lahat ba dadalhin mo? Baka may nakalimutan ka?" Tanong sa akin ni Mommy.
Umiling lang ako bilang sagot sa kanya na ayos na ang lahat ng dadalhin ko. Ngumiti lang din siya bilang tugon.
Dalawang taon na rin nang nawala sa akin si Sam, ang taong mahal ko. Lumisan siya na dala ang puso ko. Sa mga oras na nawala siya ay tila tumigil ang mundo ko at biglang nagunaw. Bumagsak ako sa sahig dahil sa panginginig ng aking buong katawan.
Nakatulala lang ako sa kanya habang yakap-yakap siya nila Tito, Tita at Marco. Hindi ako makapaniwala sa oras na yun. Pinagdasal ko na sana bangungot lang yun at magising ako pero hindi.
Pumasok yung mga doctor at pinalabas kami sa kwarto. Tinulungan nila ako na makalabas sa kwarto na yun dahil hindi pa rin gumagana ang aking katawan. Basa na rin ang aking damit dahil sa luhang walang tigil na pumapatak na hindi ko man lang namamalayan.
Nang magsink-in sa akin na wala na ang taong mahal na mahal ko ay bigla akong tumakbo paalis sa ospital na yun. Sumakay ako sa aking kotse at pinaharurot ito. Hindi ko alam kung saan ako nun pupunta basta ang gusto ko lang ay makawala sa realidad na pumanaw na ang taong mahal ko. Hindi ko kaya na wala siya, hindi ko kayang magpatuloy pa sa aking buhay. Sasama nalang ako sa kanya.
Dahil sa luhang walang tigil sa pag-agos sa aking mata ay nasasapawan na nito ang aking paningin dahilan para ito ay lumabo. Halos wala akong makita pero patuloy lang ako sa pagpapatakbo. Hanggang sa bigla nalang akong nawalan ng kontrol nang may nasagasaan akong isang bagay. Huli na nang bumangka ang kotse ko sa puno.
Nagising nalang ako na nasa ospital na at isang buwan na pala ako dun nakaratay. Nang tinanong ko si Mommy nun kung nasaan si Sam ay sinabi lang niya na nailibing na siya ilang linggo ng nakakalipas.
Umaasa ako nung nagising ako na panaginip lang ang lahat pero mahirap talagang makawala sa realidad. Nagwala ako nun dahil hindi ko matanggap na wala na talaga si Sam at sa kadahilanan na hindi ako namatay. Gusto kong sumama kay Sam, makasama siya at makapiling. Walang nakapagpahinahon sa akin nung oras na yun kaya tinurukan nila ako ng pampatulog.
Lumipas pa ang ilang araw hanggang sa nakakabas ako ng ospital. Wala akong ibang ginawa kundi umiyak at magwala. Palaging bumabalik sa isip ko ang mga alaala namin ni Sam.
Sinubukan ko ring magpakamatay pero palagi rin nila akong nahuhuli o narirevive. Palagi akong nagdarasal na sana isama ako ni Sam kung nasaan siya ngayon.
Dahil sa pinagagawa ko ay nilagay nila ako sa kwartong kama lang ang bagay na nasa loob. Pinagamot din nila ako at muntikan pang ilagay sa mental hospital.
Ngayon ay wala pa ring pagbabago maliban nalang sa pagwawala at tangkang pagpapakamatay pero gabi-gabi pa rin akong umiiyak at nagdarasal na makita ko siya ulit kahit malabo.
Kahit ni minsan rin ay hindi ko pa nadadalaw si Sam sa puntod niya dahil baka hukayin ko yun maibsan lang ang pangungulila ko. Kahit kailan hindi nawala ang pagmamahal ko sa kanya.
"Tayo na Sci, baka mahuli pa tayo sa flight natin." Aya sa akin ni Mommy.
Ngayong araw kasi ay pupunta kami sa Amerika para sa kasal nila Lolo at Lola bukas. Muli na naman silang ikakasal sa ikatatlumpu't walo nilang pagsasama bilang mag-asawa.

BINABASA MO ANG
Submissive Much [(BxB)]
Fiksi RemajaHighest Rankings: #1 in teenfiction #2 in love Si Top na naghahabol kay bottom. Si Bottom na study first. Si Dominant na walang ibang ginawa kundi magtake advantage kay submissive. Si Submissive na nagpapaubaya nalang dahil sa kailangan. Si Boy na m...