Chapter l

12 1 0
                                    


❌Palakol❌

Bagong takas lang ako galing sa prisinto. Bumalik ako sa gubat dahil may naiwan ako dun. Babalikan ko na rin ang bangkay ni Cypher. Takbo lang ako nang takbo. Napatigil ako sa pagtatakbo nang may nadaanan akong ilog. Uminom muna ako dun. Nakita ko ang itsura ko sa tubig nang ilog. Ang mata ko'y napakapula na. Ang kabuuan ng mukha ay puno ng tuyong dugo. Inamoy ko na rin ang katawan ko. Napasuka ako nang naamoy ko ito. Napakabaho ko na pala. Pati mga damit ko ay puno na rin ng mga dugo na natuyo na. Siguro ay dahil ito sa katawan noon ni Ezra na puno ng dugo. Tumayo na ako at naglakad lakad ulit. Pinuntahan ko ang lugar kung saan na iwan ang bangkay ni Cypher. Marami na itong uod. Ang sakit sa ilong ng amoy nito. Hinila ko ang braso nito ngunit naputol. Inamoy ko muna nito. Sobrang baho na pala. Maraming uod ang nagsilabasan. Dahil na rin siguro sa gutom ay isinubo ko ito. Medyo maalat na ito dahil na rin siguro ay halos isang linggo na ang bangkay nito. Umalis na rin ako nang naubos ko ang braso nito. Hinanap ko ang bangkay ni Ezra. Wala na ito. Siguro ay kinuha na rin ng mga pulis nang nahuli nila ako noon. Doon ko na rin nakita ang hinahanap ko. Ang aking palakol. Kinuha ko ito. Puno ito nang natuyong dugo. Medyo malansa ito kaya hinugasan ko ito sa ilog. Naghanap ako ng pwede kong makakain. Tamang tama namn dahil may nakita akong kambing. Bago pa ito makagawa ng ingay ay tinamaan ko na ito ng palakol sa ulo at agad namn itong nawasak at nahati sa dalawa. Sinipsip ko ang dugo nito. Ngayon ko lang bapagtanto na magkaiba ang lasa ng dugo ng tao kesa sa hayop. Medyo maalat itong sa kambing to. Hiniwa ko ang karne nito at isinubo. Ang utak nitoy isinubo ko na rin. Iniwan ko lang katawan nito at umalis. Lalabas na ako ng gubat. Uuwi na ako kina mama. Iiwan ko na dito sa gubat na to ang mga alaala na may kinalaman kay Cypher. Siguro ay dapat ko na ring kalimutan si Cypher. Habang naglalakad ako palabas ng gubat ay nagsilabasan ang mga nag uunahang mga luha sa aking mata. Sabay ng pagkalabas ko dito ay sabay na rin sa pagkalimot ko kay Cypher. Good bye Cypher.

Palakol ni AudreyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora