CHAPTER 1

64 3 0
                                    

CHAPTER 1

“Ako ang bida ngayon!” kanta ko

“Masyado kang ambisiyosa!” sagot ng kapatid ko

“Huwag kang kokonkontra kung ayaw mong masipa sa mukha!” kanta ko

“ahhhh!”  kanta ng kapatid ko.

“Ako ang bida ngayon” kanta ko pa

“Hanggang pangarap ka na lang” sagot niya pa

“Sa porma kong artista, daig ko pa si Nora at si Vilma” kanta ko.

“Wag ka nang umasa pa”

“Si Nora at si Vilma”

“Ilusyunada ka!!!” kanta niya sabay hampas sa ulo ko.

“Aray ko Reena ah!” reklamo ko habang hinihimas ulo ko. “Masakit nay un, nanadya ka ba?”

“Opo ate,” sabi niya habang may pasmile smile pa.

“maypa-opo-opo ka pang nalalaman. Ipagpatuloy na nga natin yung pagkanta sa karaoke.” Sabi ko, nasa tindahan kasi kami ni Aling Gema at kumakanta kami, kahit na paos kami ngayon, hahahaha.

“Dahil ngayong gabi, ako'y titingalain ngayong gabi, Ako si Darna, ako ang dyosa ako ang talang nagniningning sa kalangitan ako si Wonder Woman, ako ang superstar akin ang sandali, ako ang reyna ng gabi!!!!”

“Ate awat na! alam kong maganda ka, sige ikaw na si Darna, ikaw na yung dyosa, ikaw na si wonder woman, at ikaw na yung superstar. Pero ate kung ikaw si Darna ako si Dyesebel, at kung ikaw ang dyosa, ako ang dyosa ng mga dyosa, kung ikaw si Wonder woman ako Black Widow, kung ikaw ang superstar ako ang araw, at hindi ka reyna ate, slave ka lang ako ang reyna! WAHAHAHAH!”

“Kanina ka pa ah!!!” sabi ko at hinabol ko siya, at tumakbo na rin siya palayo sakin.

“Tigilan niyo na nga yan, may pasok pa kayo bukas, bayaran niyo na yang pinagkaraokehan niyo kay Aling Gena, at matulog na kayo.” Sabat samin ni Mama.

Hindi pa rin tumitigil sa kakatakbo si Reena, kahit ako tumigil na. Ang OA naman nitong babaeng to.

Makapasok na nga ng bahay at matulog na. Iniwan ko siya ng tumatakbo sa labas, na parang baliw, at dumiretso na ako sa kwarto at natulog.

***

He's Mine, Only MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon