CHAPTER 2

30 0 0
                                    

It's Dylan's POV!!

----------

CHAPTER 2

DYLAN’S POV

“And, never, neve—ahh!”

Mahuhulog na ako, bakit pinairal ko kasi katangahan ko?

May patalon talon pa akong nalalaman, feel na feel ko naman yung pagko-concert.

Imbis na mahulog ako sa stage at mabagok ulo ko, ay nakalimutan kong may kasama pala ako dito sa stage play room. At naramdaman ko naman na may humila bigla sa kaliwa kong kamay na sobrang lakas para hindi ako mahulog, sa sobrang lakas ng hila niya ay bumagsak kaming dalawa sa sahig at ako ang nasa ibabaw. Di lang yun nagkauntugan pa kami ng ulo, sa sobrang lakas ng untugan namin ay nahilo ako ng kaunti at naibagsak ko yung mukha ko sa isang bagay na napakalambot, mostly yung labi ko nga nakakaramdam nun eh.

Teka yung labi ko?

Binuksan ko yung mga mata ko at nakita kong nakikipag lips to lips ako kay Rian. Kay Rian?!

Kay Rian?!

Kay Rian?!

Tinanggal ko na yung labi ko sa labi niya.

“Ang bigat mo Dylan.” Ang sabi niya at bigla na lang siya nawalan ng malay.

Bigla naman akong nagising sa pagkahilo ko at hinawakan ko siya sa magkabilang braso at inaalog alog ko siya.

“Hoy!! Rian gising!! Huy wag kang matulog.” Sabi ko habang inaalog alog ko pa siya. No use, di siya gumigising. May napansin ako pagkatapos ko siyang alugin, may dugo sa kaliwang parte ng noo niya.

“Oh my gosh!” sabi ng isang tinig ng isang babae.

Napalingon ako.

Mga kaibigan ni Rian at yung mga kaibigan ko, tapos si Miss Rose at si Sir Brandon, nakatingin sila sakin with wide eyes at mga bibig na pwede ng pasukan ng langaw dahil lahat sila nakanganga.

“Dylan, anong ginagawa mo? Re-rape-in  mo ba si Rian?” tanong ni Angelu na may mapangasar na ngiti.

Napatingin ako kay Rian.

Ngayon ko lang napagtanto na yung posisyon ko kay Rian ay para ko siyang rerapein.

Bigla akong napatayo at humarap sa kanila.

“M-Mali kayo ng iniisip!” sabi ko ng nauutal.

“C’mon children and Brandon, let them be.” Sabi ni miss Rose na tinutulak palayo yung kaibigan ko pati ni Rian at pati si Sir Brandon.

“Are you sure? Kasi mamaya baka mabuntis si Rian ni Dylan?” ani ni Sir Brandon

“Miss Rose, Sir Brandon!! Mali kayo ng iniisip—“

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He's Mine, Only MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon