Prologue

6.6K 89 2
                                    

"Ngingiti-ngiti ka pa diyan matapos mo kong pahirapan."aniya habang dinuduro at tinatapik niya ang picture nito.

Nangingiti naman si Mikael na noon pala'y nakayuko lang sa ilalim ng mesa habang pinupulot ang mga nilipad na papeles.Sinadya niyang magtagal sa ilalim upang marinig pa ang iba pang sasabihin ng dalaga.

"Tama lang na hindi ako nagpauto sa'yo...unggoy ka!"asar na pinitik pa niya ang mukha nito sa larawan.

Matapos niyang pagdiskitahan Ang picture sa ibabaw ng mesa ay naglakad na siya pabalik sa sariling mesa.

Hindi pa siya nakakalayo nang makarinig siya ng tunog. Napalingon siya at napansin ang mga kamay na nakakapit sa mesa hanggang sa unti-unti niyang matanaw ang ulo ng tumatayong si Mikael.

"Patay!"usal niya kasabay ng pagngiwi ng kanyang mukha.

Blanko ang ekspresyon sa mukha nito na nakatingin sa kanya habang inaayos ang nagusot na damit.

Naninigas man ay pilit niyang hinakbang ang kanyang mga paa patungo sa kanyang mesa.Hindi na niya narinig pang nagsalita si Mikael.

Hapon na nang muli siyang utusan nitong bumalik sa library at magprint ng ilang documents.

Inakala niyang madali lang ang iniutos nito kaya  excited siyang sumunod.Pero ganoon na lamang ang panlulumo niya nang mapag alamang nagloloko pala ang printer.Pasado alas sais na ay hindi parin siya natatapos sa pagpiprint dahil marami pa ang pagkutkot niya rito kaysa pagpiprint nito.

Sa opisina naman ay napapangiti pa si Mikael habang sinusulyapan ang kanyang relo.

"kumusta na kaya siya dun!"nangingising sabi pa niya.

Mayamaya pa'y umakyat ang gwardiya at kinatok siya.

"Sir, isasara ko na po ba ang main gate?" tanong nito.

Saglit siyang natigilan.Muli siyang sumulyap sa kanyang orasan. Mag-aalas otso na ng gabi hindi parin bumabalik si Yumi. Napakunot ang noo niya.Matapos bigyang ng instruction ang gwardiya ay agad siyang bumaba at tinakbo ang library.

Abot-abot ang kabog ng dibdib niya.Pabigla niyang binuksan ang pinto.Natanaw niya si Yumi na nakaupo at nakadukdok na sa mesa.Halos takbuhin  na niya ang paglapit sa dalaga.

"Yumi!"natarantang niyugyog niya ang dalaga.

Ngunit hindi ito kumikilos.Hindi na niya alam ang kanyang gagawin abot-abot na ang kabog ng dibdib niya.Nang biglang umingit ang dalaga at tila umayos ng pwesto.

Bigla siyang napasandal sa dingding habang kalong-kalong ang dalaga.Napangiti pa siya at napailing nang marealize niya na nakatulog lang pala ito.

Matapos niyang pagdikit-dikitin ang mga upuan ay inihiga niya ng maayos ang dalaga.Hinubad niya ang suot niyang coat at ikinumot niya rito.

Tahimik niyang pinagmasdan ang dalaga na halatang napagod sa buong maghapon.

My Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon