Nagpaalam saglit si Yumi kay Mikael na sasaglit siya sa bahay upang kumuha ng ilang damit para rito. Hindi naman tumanggi ang binata.
Sinamantala niya ang pagkakataon na makapaligo at makapagpalit ng damit. pinagluto niya rin ito ng mga paborito nitong pagkain.
Mag-aalas onse na ng tanghali nang makabalik siya sa ospital.Pormang bubuksan niya na ang pinto nang makarinig siya ng mahihinang tawanan mula sa loob. Bahagya niyang idinikit ang kanyang tainga sa pinto at naulinagan niyang nag-uusap sina Mikael at Migo.
"Iba ka talaga boss,sabi ko naman sa inyo konting lambing lang makukuha mo rin 'yan! "narinig niyang sabi ni Migo.
"Alam mo tama ka eh, Hindi naman pala talaga ganoon kahirap!"sagot ni Mikael.
"So paano ba 'yan boss?Seryosohan na ba 'yan?"narinig niyang tanong ni Migo. Bigla siyang kinabahan habang hinihintay ang isasagot ng binata.
"Seryoso?Nagpapatawa ka ba?Hindi ko 'yan type! Papasakayin ko lang 'yan tapos pag-asang asa na siya... "
Hindi na nagawa pang tapusin ni Yumi ang susunod pang sasabihin ng binata at mabilis na niyang naibaba ang pagkain at gamit na dala atsaka nagtatatakbong umalis.
Naramdaman naman ni Mikael ang bahagyang pagtunog ng pinto nang aksidenteng mabuwal ang iniwang bag ni Yumi. Nginusuan niya si Migo upang tunguhin ang pinto at kapwa sila napamulagat nang mabungaran ang bag at lunch box na iniwanan ni Yumi sa pintuan.
"Nasaan na si Yumi?"napakunot ang noong tanong niya.
"Boss wala eh,Pero mukhang gamit mo 'tong laman ng bag, hindi kaya iniwanan niya ang mga ito rito?"
Natigilan si Mikael at napaisip.
"Aano na naman kaya siya?""Baka may nalimutan lang boss, babalik din 'yun!"
Dinampot ni Migo ang bag at lunchbox na nasa sahig atsaka muling luminga sa paligid bago tuluyang pumasok sa loob ng silid.
Natapos ng magtanghalian si Mikael at Migo pero hindi parin bumabalik si Yumi. Nakailang tawag na rin sila sa telepono nito ngunit hindi rin ito sumasagot.
Lalong nabulabog ang isip ni Mikael. Inutusan niya si Migo na muling pasyalan sa bahay ang dalaga ngunit lalo siyang nag-alala nang bumalik si Migo sa ospital ng mag-isa.
"Bakit ikaw lang?Nasaan na si Yumi?"Nakakunot ang noong tanong niya.
"Boss,wala sa bahay eh,may tinulungan daw na kaibigan baka raw bukas na 'yun makabalik."Anito na noo'y pumuwesto na sa sofa upang matulog.
"Sino naman kayang kaibigan 'yun na mas importante pa kaysa sa'kin!"bulong nito na halos malukot na ang mukha.
Kinabukasan hindi parin nagpakita si Yumi sa ospital. Napikon naman si Mikael sa hindi pagpapakita ng dalaga kaya hindi na niya ito pinasundo pa. Lumipas ang isang linggo at nakalabas na ng ospital ang binata pero ni anino ni Yumi ay hindi niya parin nakikita.
Muling naging mainitin ang ulo ni Mikael.Kaya ang lahat sa opisina ay ingat na ingat gumawa ng kahit konting pagkakamali.Ayaw na ayaw niyang nasasayang ang bawat oras niya.
Ingat na ingat binuksan ni Migo ang pinto at marahan niyang inilapag sa mesa ang mga dokumentong dapat nitong pirmahan.
Seryosong tumingin ito sa kanya at saka inabot ang mga inilapag niyang folder."May kailangan ka pa?"anito na muling nagtaas ng paningin nang mapansin ang matagal niyang pagtayo sa harapan ng mesa.
"Boss si Yumi po pala..."saglit natigilan si Migo at pinakiramdaman muli ang kaharap.
BINABASA MO ANG
My Secret Love
RomansaMeet Mikael ang gwapo at simpatikong binata na nagmamay-ari ng isang kompanya.Isang masungit na boss na may mapapaamo ng isang simpleng dalagang na si Yumi.