Kinabukasan masiglang bumangon mula sa higaan si Mikael.Pakanta-kanta pa ito habang naliligo at maging sa pagpasok sa opisina.
Panay ang tango at ngiti niya sa bawat empleyadong nakakasalubong niya.Bagay na hindi niya normal na ginagawa.Kaya halos napapakunot ang noo ng lahat nang malampasan niya.
"Wow!Good mood again!"nakangising bungad sa kanya ni Migo na noo'y nakatanaw sa kanya.
"Hoy!Sumosobra ka na sa pambabastos sa akin ha?Pwede ba magbigay galang ka nga sa boss mo!"singhal niya kay Migo sabay tapik sa tiyan nito.
"Boss naman!Hindi ka na mabiro!"bawi nito sabay tayo at
kunwa'y masahe sa likuran niya.Bahagyang napangisi si Mikael.
"Natatandaan mo yung pinagbilhan mo ng biko?"tanong niya na bahagya pang nilingon si Migo na noo'y bahagyang natigilan sa ginagawa.
"Yung magandang chick?"kunot ang noong tanong nito.
"Pwede ba huwag mo nga siyang tinatawag ng ganyan,Yumi ang pangalan niya" singhal niya rito.
Gumuhit ang pilyong ngiti sa mukha ni Migo na tila naiinteresaduhang naupo pa sa harapan ng mesa at seryosong inabangan ang susunod pang sasabihin niya.
"Gusto kong tulungan mo siya!"seryosong sabi niya.
Napakunot naman ang noo ni Migo.
"Don't tell me araw-araw kong papakyawin ang tinda niyang kakanin?""of course not!Gusto kong hanapan mo siya ng pwesto dito sa opisina".aniya.
"Pero bakit ako?Eh ikaw naman yung boss hindi ba?Bakit hindi ikaw ang magbigay ng pwesto sa kanya?"Naguguluhang tanong nito.
"Hindi niya kailangang malaman na ako yung tumutulong sa kanya dahil siguradong tatanggi yon".mabilis na sagot niya.
"Eh saan ko naman siya ilalagay na hindi ka niya makikita?"Kunot ang noong tanong ni Migo.
"Saan ba ko hindi pumupunta sa bahagi ng company?"aniya na tila biglang may naisip.
Nagtama ang paningin nila ni Mig at kapwa napangiti.
Agad na umalis si Migo upang hanapin ang dalaga pero bigo siyang makita ito.Ayon sa mga nakausap niyang kasamahan nitong tindera hindi raw nila ito nakita buong maghapon.
Napabuntong hininga na lang si Mikael sa ibinalita ni Migo.Tila bumigat ang pakiramdam niya kaya nagpasya siyang umuwi na lang ng maaga.Habang binabaybay ang kalsada pauwi ay palinga-linga pa siya na tila nagbabakasakaling mamataan ang dalaga ngunit bigo rin siyang makita ito.
Magiisang linggo na nang huli niyang makita si Yumi ngunit wala pa rin siyang balita tungkol dito.Tila walang kabuhay-buhay na tumayo siya sa kama at nagtungo sa banyo.Ilang segundo niyang tinitigan ang sarili sa salamin habang ang toothbrush ay kasalukuyang nakasubo sa kanyang bibig.
"Nasan ka na ba kasi Yumi?"tila desperadong sambit niya.
Mabigat ang mga hakbang na lumabas siya ng banyo at tinungo ang kusina.Maghahanda na sana siya ng agahan nang biglang tumunog ang buzzer.Asar na tinungo niya ang pinto.
"Ano ba naman Migo?ang aga aga..."
Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang mabungaran ang hindi inaasahang bisita.Halos manlaki ang mga mata niya nang mabungaran ang dalaga.
"Yumi?"Hindi niya maitago ang pagka-excite nang makita ang dalaga.Natatarantang niluwangan niya ang pagkakabukas ng pinto at pinatuloy niya ito.
"Kumusta ka na?akala ko hindi ka na babalik!"agad na tanong niya.
BINABASA MO ANG
My Secret Love
RomansaMeet Mikael ang gwapo at simpatikong binata na nagmamay-ari ng isang kompanya.Isang masungit na boss na may mapapaamo ng isang simpleng dalagang na si Yumi.