Kumalas siya mula sa mahigpit na pagkakayakap ng binata.
"Kumain ka muna!"sabi niya sabay hila sa isang kamay ng binata papaupo sa sofa.Bahagya niyang itinulak ang lamesita papalapit sa sofa upang makapwesto it ng maayos.
Hindi kumikilos si Mikael na noo'y nakatitig lang sa kanya.
"Kumain ka na sabi eh!"Aniya sabay abot ng kutsara't tinidor sa binata.
Hindi nito pinansin ang inaabot niya sa halip ay pumikit ito at sumandal sa sofa.
Lumapit siya rito at naupo sa tabi ng binata.
"Please naman,kumain ka kahit kaunti!" Pakiusap niya sa binata.
Nagmulat ito ng mata at humarap sa kanya.
"Nag-aalala ka ba sa akin o nagiguilty ka lang?"halos pabulong ng tanong nito.
Hindi umimik ang dalaga sa halip ay kumutsara siya ng pagkain upang isubo sa binata.Pero blanko lang ang ekspresyon ng mukha nito habang nakatingin sa kanya.
"Please naman kumain ka na!"naluluhang pakiusap ng dalaga ng Hindi parin kumikilos ang binata.
"Huwag kang mag-alala,wala namang maninisi saiyo kung sakali mang mamatay ako sa gutom".sarkastikong sagot ng binata.
Hindi na umimik pa ang dalaga na napabuntong hininga na lang.Ilang segundong katahimikan pa ang lumipas at mayamaya ay tumayo ang binata at naglakad papasok sa kwarto.
Mabilis na kumilos si Yumi at patakbong niyakap mula likuran ang binata.
"I'm sorry!"tanging nausal niya kasabay ng mahigpit niyang yakap sa binata.
Bahagyang natigilan ang binata at unti-unting humarap sa kanya.
"I'm sorry kung naduwag ako at hindi kita ipinaglaban!"dugtong niya na ang ulo ay nakatungo sa sahig.
"Anong ibig mong sabihin?"kunot ang noong tanong ng binata ng mag angat siya ng paningin.
Ngunit hindi kumibo ang dalaga.
"Nagkausap ba kayo ni papa?"nanlalaki ang mga matang tanong ng binata.
Marahan siyang tumango.
"Noong araw na narinig ko kayong magkausap ni Migo iyon din ang mismong araw na kinausap ako ng papa mo!"
Hindi na hinintay pa ni Mikael ang iba pa niyang sasabihin at agad na siya nitong kinabig at niyakap ng mahigpit.
"Kalimutan mo na kung ano man ang sinabi saiyo ni papa"bulong ng binata.
Napanatag naman ang loob niya sa sinabing iyon ng binata.
"Bakit ba Hindi ka kumakain?gusto mo na bang mamatay ha?"nakalabing tanong niyang ng bumitaw sa binata.
Nangingiti naman muli siyang kinabig at niyakap ng mahigpit ng binata.
"Nag-alala ka ba ng sobra?"bulong pa nito.
Pero sa halip na sumagot ay isang pinong kurot sa tagiliran ang inabot niya sa dalaga na mahigpit ding yumakap sa kanya.
Kinabukasan
Maluwang ang pagkakangiti ni Mikael habang pinagmamasdan ang dalagang natutulog sa tabi niya.
"Good morning baby ko?"nakangising bungad nito nang magmulat siya ng mga mata.
Nakangiting inunat niya ang kanyang mga braso at sinalubong ng mahigpit na yakap ang binata.
"Bagay pala saiyo ang mga damit ko eh!"nakangiting sabi ng binata habang sinisipat ang mahabang t-shirt at pajamang suot niya.
BINABASA MO ANG
My Secret Love
Roman d'amourMeet Mikael ang gwapo at simpatikong binata na nagmamay-ari ng isang kompanya.Isang masungit na boss na may mapapaamo ng isang simpleng dalagang na si Yumi.