SIMPLENG PAGTINGIN
by:
yu_anscyAko'y isang ordinaryong babae na may simpleng pagtingin sayo
Unang klase yun ng makita kita
Kasama mo ang iyong mga kaibigan na masayang nagkwentuhan
Habang ako naman ay kabadong dumaan sa iyong harapan
Di ko alam kung ba't ako natataranta at puso ko sayo'y nangangamba
Simpleng pagngiti mo lang ako na'y masaya
Di mo lang pansin ako sayo'y nakatingin
Lumipas ang mga araw ako'y laging nagmamasid sayo malayo man o malapitan
Masasabi kung ako ngayo'y mala detective ang kilos
Bawat pag-alis at pagdating mo'y memoryado ko
At sa pagdating ng gabi ako'y uma-alis ng bahay, ni walang pahintulot ni nanay
Para mga bituin sa langit ay masilayan
Bawat pagkinang nito'y minamasdan
Iba't ibang kulay na naggagandahan,sapat na
Pero?sapat na ba ang pagtingin tingin sa kalangitan makita lang ang mga bituing nagniningning
Sapat nabang nangagarap lang at nakatingin sa malayo?o kulang pa!
Hanggang kailan pa ako aasa na mahuhulog karin? Saka naba pag-umaga na?!
Kung kailan huli na ang lahat
Katulad kalang rin pala ng mga bituin sa langit, ang hirap abutin
Sana ito na ang tamang panahon na ako'y maliwanagan
Na ikaw ay bituin sa langit at ako ang lupa!
Hindi to copy paste guys I really wrote this for him pero diko magawang ibigay cause I felt shy when I'm already Infront of him kaya pinost ko nalang sa wattpad hoping na mawala lahat ng masasakit na alala ko sa kanya.😞😞Hope you have learn something in this special poetry of mine! Saranghae😘
12/18/18
Your lovely author,
yu_anscy
