Tala (Part One)

217 3 9
                                    

Sa kabila ng maaliwalas na panahon at matayog na sikat ng araw, nababalot ng malamig na klima ang bansang Italia. Bawat kalye'y hindi nababakante ng mga taong namamasyal, mapa-lokal man o turista. Ilang oras na lamang ay sasapit na ang dapithapon kung kaya't bahagya ng lumalamig ang ihip ng hangin.

Sa isang banda ng Italia, isang binata ang abala sa kanyang trabaho. Sa apat na sulok ng kanyang opisina, nakatutok siya sa kanyang laptop. Kanyang inaaral ang ilang pagbabago para sa kasulukuyang proyekto na isinasagawa. Nakatupo hanggang siko ang kanyang white colored-long sleeves. Nakapangalumbaba gamit ang kaliwang kamay habang ang kanan ay nakahawak sa mouse.

Tatlong katok mula sa kanyang pinto ang umalingawngaw bago tuluyang bumukas ito at bumungad ang isa pang Italyanong binata.

"Engr. De Guzman, Engr. Moretti would like to see you." Anito.

Tumango lamang ito nang hindi pa inaalis ang paningin sa kanyang binabasa.

"I'll be there in five minutes."

Mabilis na niyang tinapos ang binabasa at tiniklop ang laptop upang tumungo sa opisina ng inhinyerong nagpapatawag sa kanya. Pagpasok niya'y inaaral naman nito ang isang blueprint na nakalatag sa isang malawak na lamesa.

Si Engr. Lorenzo Moretti ang Senior Engineer Administrator ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya sa Italy.

"Engr. Marko, would you mind to take a look at this?"

Tumungo naman si Marko upang makita ang pinapatingin ng kanyang senior. Sila'y nagdiskurso ukol dito pati na ang planong inaaral pa ni Marko. Nagkapalitan sila ng mga ideya pati na ng mga opinyon upang maganda ang kalabasan ng proyektong iyon.

"I'll have this work with Derrick, Sir."

"Good. Please update me when you have finished."

"I will, Sir."

Tumagal ng halos isang oras ang kanilang pag-uusap. Bumalik na sa kaniyang opisina si Marko habang isinasa-isip ang mga napag-usapan nila. Naupo siya sa kanyang swivel chair at inilapat ang likod sa sandalan. Sa mga nakalipas na linggo, okupado ang kanyang isipan. Madaming pagbabago ang nangyari sa isang iglap.

Lahat ay hindi inaasahan.

Lahat na sana ay isang masamang panaginip na lamang.

***

Nangamoy sa buong kwarto ang napakabangong shower gel. Matapang. Nakakapang-akit. Lumabas ng banyo si Marko habang tinutuyo ang kanyang basang buhok. Dumiretso ito sa aparador at naglabas ng puting t-shirt at boxer shorts. Mabilisan niya lamang iyon isinuot matapos ay nagtungo sa kanyang study table.

Tanaw mula sa kanyang kinauupuan ang iba pang kabahayan. Lahat ay gawa sa bato. Kulay pastel na dilaw ang mga pintura, ang bawat bintana'y gawa sa matitibay na kahoy at salamin. Alas otso na ng gabi. Maaga pa ang kanyang lakad bukas ngunit kailangan niyang tapusin ang isa pang plano para sa ibang proyekto.

Inilabas niya ang laptop at binuksan ito. Kanyang sinuri ang files pati na ang soft copy ng blueprint upang masiguro kung nasa tama ito. Ngunit kahit pa sa kabila ng kanyang mga gawain, pilit na sumasagi sa kanyang isipan ang isang tao. Ang taong higit na mahalaga sa kanya.

Siya'y napatigil sa pagbabasa. Hindi na makausad pa ang kanyang utak upang magsiksik pa ng impormasyon. Pagod na ito sa buong araw. At pagod na rin siya.

Kinuha niya ang kanyang cellphone at idinayal ang isang numero. Itinapat niya ito sa kanyang tainga. Matapos ang ilang saglit, sumagot ang tinatawagan niya.

"Oh, Marko." Tila boses ng nagising ang nasa kabilang linya.

"Pasensya na ho, 'Nay Martha, kung naistorbo 'ko ho kayo. Gusto 'ko lang po kasing maka-usap si Joseph."

Tala (An LGBTQ+ Christmas Short Story Special)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon