Tala (Part Two)

146 6 8
                                    

Matapos ang kalahating araw at higit pang oras ng biyahe, tuluyan nang nakarating ng bansa si Marko. Gabi ang sumalubong sa kanya, kasabay ng malamig na klima. Napupuno ng makukulay at nagliliwanag na dekorasyon ang kapaligiran. Mula sa paliparan, hanggang sa mga kalsada na kanyang nadaanan ay nagsusumigaw ang diwa ng Kapaskuhan.

Sa oras na pagtapak niya ng bansa, mahalaga ang bawat oras. Ang bawat minuto'y hindi dapat masayang. Kung kaya't imbis na umuwi muna sa kanilang tahanan, dinaan niya muna ang taong dahilan ng kanyang pag-uwi.

Pumara ang sinasakayan niya sa bukana ng gusali. Dala ang lahat ng mga maleta'y tumungo siya sa ika-apat na palapag. Tinahak niya ang maliwanag ngunit tahimik na pasilyo. Nang mahanap na niya ang kwartong hinahanap ay kumatok siya dito.

Isang mahigpit na yakap ang sumalubong sa kanya. Sa pagyakap na iyon ay naramdaman niya ang tagal ng pagkakalayo niya sa mga taong mahal niya.

"Marko, anak,"

"'Nay Martha,"

Tuluyang pumasok ng kwarto si Marko. Ang mga mata niya'y nakatuon sa taong rason ng kanyang pag-uwi. Hindi pa man nakakalapit ay bumagsak ang mga luha sa kanya. Ang mga yapak niya'y tila mabibigat.

"Love," Kanyang bitaw nang makalapit sa kanyang nobyo.

Naupo siya sa gilid ng kama nito. Pinagmasdan ang nobyong payapa sa kanyang pagtulog. Hinawakan niya ang kamay nitong may nakatusok na karayom upang daluyan ng gamot. Marahan niya itong hinaplos at inilapit sa kanyang pisngi.

"Wake up now, Love. I'm home."

Ang mga unang oras na nasa Pilipinas si Marko ay kapiling niya si Joseph at ang pamilya nito. Nagkamustahan, nagkakuwentuhan. Kanya ring ibinigay ang mga pasalubong niya sa mga ito. Kakarampot lamang ngunit sila'y nagpasalamat dahil hindi nakalimot sa kanila si Marko.

Isang pamilyar na bagay ang kanyang nakita nang ilabas pa ang ibang gamit sa loob ng maleta. Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi at mabilis na tumungo sa higaan ni Joseph.

"Love, oh, tignan mo 'to." Ipinakita niya ang maliit na bahay na minsan niyang nabili sa pamilihan sa Italya. "Nakita 'ko 'to sa market. Naalala 'ko 'yung dream house natin. Hindi na lang siya dream house ngayon dahil unti-unti na siyang nabubuo. Kaya gumising ka na d'yan, love. Para 'pag labas mo dito, doon na kita dadalhin. Doon na tayo titira."

Ang malaki niyang ngiti ay unti-unting nawala. Para siyang dinudurog kapag nasisilayan ang kundisyon ni Joseph. Ang iba't ibang tubo na nakakabit sa kanyang katawan. Ang mga makinarya na sumusuporta sa buhay nito'y nakapaligid na sa bawat tunog nito'y siya ay naalarma. Sa lahat ng pagkakataon, ito ang hindi pinakamagandang tanawin.

***

Panandalian munang umuwi sa kanilang tahanan si Marko upang makapagpahinga. Kinabukasan, maagang bumalik ng ospital si Marko. Dala'y isang malaking bag na naglalaman ng kanyang mga kagamitan. Bitbit ang isang bugkos ng bulaklak, humalik siya sa noo ng nobyo at inilapag ito sa katabing lamesa.

"Good morning, Love. Andito na ako ulit. And I'm here to stay with you until you wake up." Aniya.

Ang nasa gilid niyang si 'Nay Martha ay tahimik lamang na nakamasid sa dalawa.

"Dito ka matutulog ba ngayon, Marko?"

"Opo, 'Nay. Ako naman po ang magbabantay kay Joseph." Sambit niya. "Obligasyon 'ko pong alagaan si Joseph dahil iyon po ang pinangako namin sa isa't isa."

Gumuhit ang ngiti sa ina ni Joseph.

"Napakabuti mo talaga, Marko."

Ang dalawang mas nakababatang kapatid ni Joseph ay nasa kanilang mga kolehiyo kung kaya't tanging si Martha lamang ang naroon sa ospital.

🎉 Tapos mo nang basahin ang Tala (An LGBTQ+ Christmas Short Story Special) 🎉
Tala (An LGBTQ+ Christmas Short Story Special)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon