○ THE FINALISTS ○
Chapter 2
You don't fall in love.
Mahimbing na natutulog si Wridge sa aking kama. Agad akong nagbihis muli. I wore a champagne colored silk night shorts and top. Lumabas ako ng aking kwarto. I wanted milk. Pababa pa lang ako ay may narinig na agad ako sa taas.
"Who is she Valerie?" rinig ko pa
Tinignan ko ang aking relo. It's already 11:35. Nagtago ako sa gilid ng staircase.
"A girl named Prim." sagot ni Valerie
"What's with her? Bakit hindi pa siya pinapakilala sa amin ni Wridge? And why is she on the second floor? Paano siya nakakalabas ng ganun-ganun lang?" inis na sabi nung kausap ni Valerie
I can feel irritation with their voices.
"Unfortunately, she is Wridge's new favorite and it pisses me off." utas niya pa
"You're just jealous, Val." sabi ng bagong boses ng babae
"Now you're just one of us, Val. Makisama ka dito sa taas. In the meantime, kailangan natin siyang makilala. We have to make her like us. Gusto ko ng makalabas." sabi uli nung isang babae
"Ayoko dito sa taas. I want my room back." inis na sabi ni Valerie
"Wag ka nang mag inarte, Val. Tanggapin mo na lang. Ang importante ay may napapala pa rin tayo kay Wridge." sabi nung isa
Suminghap ako. Ilan kaya sila? When I was with Leithon, he got rid of his other girl, Devina. Pero kay Wridge mukhang madami sila. I have to make a plan kung ayokong magaya sa kanila. Habang nasa akin pa ang atensyon ni Wridge ay kailangan ko siyang mahulog sa akin. I have to make him mine dahil kung mabaling sa iba yun ay panigurado na magbabago ang lahat.
"No, Alex! That's my point here! Ayokong maging isa sa inyo." sabi niya pa doon sa kausap niya
Tumawa yung isang babae. "Wala ka namang choice, Gaga! Ayaw niya na sayo, kaya kung ako ikaw, pakikisamahan mo siya di yang nag iinarte ka na parang batang inagawan ng lollipop." sabi muli nung babae
"We both know, I love him, Alex. And I know he loves me too. I was his favorite for almost 11 months, for sure may dahilan yun. Nagbago lang ang lahat dahil dumating ang Prim na yan! And all I have to do is get rid of her. He'll come back to me!" utas ni Valerie
Ilusyonada si baliw. Kaya naman pala mainit dugo niya sakin. She loves Wridge.
"Don't be delusional, Valerie! He gave us one rule! Alam mo ang gagawin niya sayo kapag nalaman niyang mahal mo siya!" sigaw nung isa pang babae
"Shut up, Mia! Ayoko na! Mabulok kayo dyan! Basta ako matutulog na ko! I'll get rid of her tomorrow." sabi pa ni Valerie
Naisipan kong umakyat noong narinig ko ang pagsara ng isang pinto.
"Ayoko talaga sa ugali non, Alex." sabi pa nung isa
Nakita ko na sila bago pa magsalita yung kausap niya. I immediately smiled at them. Napalingon sila sa akin.
BINABASA MO ANG
The Finalists (Don't Series #1: Prim Lev)
General FictionFormer race wager of famous bachelor racer, Rushton Wridge de Voz, raced her way to the top when she left him. She used him so she can be independently rich when she begin with her racing career. Prim Khlienne Lev is now one of the famous female rac...
