C04

6 0 0
                                    

" ahahaah ano na dre talo ka na....."

" hoy! hindi pa tingnan mo tong baraha ko..."

Naalimpungatan ako dahil sa mga naririnig kong ingay, at napansin kong hindi ako pamilyar sa lugar na to. Pinagmasdan ko ang buong paligid malikabok, at may mga malalaking galon at malalaking troso na nasa gilid at teka bakit ang sakit ng braso ko? Tumingala ako at nakita kong nakatali ang mga kamay ko ng mahigpit gamit ang lubid, teka paano ako nakatulog ng nakatayo???nasaan ba ako??? Bakit ako nandito???paano ako napunta dito???

" oh....!!!! At gising na pala ang nobyo ng anak ni Chief Bataler...." Sabi ng isa sa mga naglalaro ng baraha

Anong sinabi nila? Nobyo ng anak ni Chief Bataler? Sino yun? Tumingin ako sa paligid, wala namang ibang tao dito bukod sa kanila at saakin. Ako ba ang tinutukoy nila?

" musta ang gising natin? Mahimbing ba?" Sabi nito at lumapit saakin, natakot ako habang papalapit sya... sila yung mga tipo ng tao na parang walang sinasanto at sinisino ano na nga bang tawag sa mga ganito ' adik?' Madalas kong sinasabihan yung kaibigan kong nakakahithit pero sa ngayun mukha yatang literal na nakakhithit ang mga to...

" s-sino p-po k-kayo?" Nauutal na tanong ko sa kanila, nakakatakot Ang mga itsura nila... Matatangkad, Malalaki ang katawan... At parang lango sa kung ano mang kinaaadian nila...

" ahhahahahahahahahahha......" Malakas na tawanan nila "Ano dalaga gusto mo na bang makita ang nobyo mo? Nasasabik ka na bang mapagmasdan ang napakaGWAPO nyang itsura???" Sabi nito na pinakaemphasize pa talaga ang word na gwapo 'nobyo?' Di ako makapagsalita dahil di ko naman alam ang sinasabi nya at labis ang kabang nararamdaman ko na parang nagbara na yata ang puso ko sa lalamunan ko dahil sa lakas ng pagpintig nito

Naguguluhan ako? Nasan ba talaga ako? At Ano bang sinasabi nila? Paano ba ako napunta dito? Natatakot ako ano bang nangyayari?

" BITIWAN NYO KO ANO BANG KAILANGAN NYO!!!!!" Narinig kong sigaw mula sa malayo parang pamilyar saakin yung boses na yun

"Hoy! Patahimikin nyo nga yan..!!! Ang ingay...."

" papatayin na po namin boss? malalagot po tayo Kay Gov nun"

" mga B*B*!" Sigaw nito at pumunta dun sa lugar kung nasan ang kausap nya

" aray! Bitawan nyo ko..." Nanghihinang litanya ng boses na yun

" wag kang mag alala makikita mo na sya..." Narinig ko tiningnan ko ang lugar kung san pupunta ang lalaking na yun at nagulat ako sa nakita ko ng lumabas sila sa madilim na espasyo ng lugar na yun

" S-Seth?" Nasabi ko ng makita ko ang mukha nito bugbog sarado sya at dumi ng damit nya, malayo sa malinis at presentable nyang itsura kapag pumapasok sa school lumingon to saakin na halata mong gulat ito

" L-liana? " tawag nito sa pangalan ko

" oh! Natutuwa ba kayong muling makita ang isat isa?? Parang kanina lang naglalandian pa kayo sa plaza a...?" Sigaw nito at tumingin saakin at tinulak sa Seth sa harapan ko bumagsak ito sa sahig malapit sa akin

" ANO BANG KAILANGAN NYO SAAMIN????" litanya ni Seth at kita mong galit na galit sya

" maghintay ka lang dyan malalaman mo rin malapit nang dumating ang VIP ng palabas na ito" litanya nito

"At pwede wag kang maingay dyan.." Sabi nito at kinuwelyohan pa si Seth at saka pabagsak itong binitawan

Teka Ano bang nangyayari paano ba ako nakarating dito???  Wala akong maintindihan feeling ko dahil sa kaba ko di na nakakapag isip ng ayus ang utak ko

" a-ano bang g-ginawa namin sainyo at bakit nyo kami dinala dito?" Lakas loob na tanong ko, tiningnan ako nung parang leader nila at ngumiti na nakakaloko saakin

Justice of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon