C01

12 2 0
                                    

Year 2007

Liana Pov's

"Ahm... Liana...  may sa sabihin Sana ako sayo"

"Ano yun Kenneth?" Tanong ko

" Sana kapag narinig mo to walang magbago satin ah"

" oo naman Ano ba kasi yun?"

" ahm... Pano ba to kasi... Ahm...-"

" hoy Liana mag cu-cutting ka no time na nandito ka parin"

Napalingon ako lingon  kung San nanggaling Ang boses na yun

"TRA-A-A-LE! MA-A-A-SAHAN, TRA-A-A-LE! MASANDIGAN!" napabalikwas ako at nahulog sa Kama ko nang maalimpungatan ako sa isang ingay mula sa labas

"aray ko" nasabi ko habang hinihimas ang pwetan ko

"ano ba naman ingay yun nakakainis" sabi ko at tumingin sa may bintana

" oh anak bakit dyan ka natulog sa sahig di ka ba kumportable sa higaan mo?" Tanong ni mama na nasa pinto pala at d ko napasin dahil sa asar ko dun sa ingay na yun

" nahulog po ako ma, ano po ba ang ingay na yun ang aga- aga nakakabulahaw" tanong ko

" ah yun ba mga nangangampanya yun alam mo na malapit na ang halalalan" sagot ni mama

"nanganagmpanya sa ganitong oras sa umaga grabe sila" inis na litanya ko na nakakunot pa ang noo dahil naabala talaga ang pagtulog ko

" anong gantong oras sa umaga? Hoy Liana tanghali na kaya bilisan mo na dyan" bulyaw ni mama, kaya naaalarma talaga ako

" tanghali? Anong oras na po ba? " tanong ko at kinuha ang cellphone ko "sh!t" nasabi ko ala sais na pala

" ma bat naman di nyo ko ginising?!" Reklamo ko at agad tumayo at kinuha ang twalya ko Saka patakbong pumasok sa cr. Siguro 2 mins lang natapos na akong maligo grabe ang galing ko talaga bravo Liana ang galing mo papuri ko sa sarili ko dahil nakatapos akong mag ayos sa loob ng limang minuto

" oh anak nandyan ka na pala ang bilis mo yata" bungad ni papa saakin pagdating ko sa kusina

" o maupo ka na dyan Liana" litanya ni mama kaya mabilis akong umupo at kumuha ng tatlong pandesal at ininom ko ng mabilis ang kape na mainit pala napaso tuloy ako

" maghinay hinay ka kasi mamaya pandesal na lang yang kinakain mo mabilaukan ka pa" sita ni mama saakin

" nagmamadali na po kasi ako baka di ko na maabutan ang meeting sa Tipagbata" litanya ko

" tipagbata?" Tanong ni papa at  humigop ng kape

" tawag yun sa dyaryo ng school nila hon, manunulat din sya sa dyaryo tulad ni Aliana nun" litanya ni mama

" ano na nga bang ibig sabihin nun Liana?" Tanong ni mama

" Tiga Pag BaliTa po" sagot ko

" naku manang-mana ka talaga sa kaibigan namin ang hilig hilig magsulat"  litanya ni papa

" sus....si papa talaga.... Hinalintulad pa ako sa iba....saka sino po ba si Aliana?" Curious na tanong ko sa kanila

Nagtinginan lang si mama at papa at seryosong tumingin pabalik saakin

" papa pengeng tapay" singit ng bunso kong kapatid na si May

Agad naman tiningnan ni papa ang plastic na pinaglalagyan ng pandesal pero wala na pala itong laman

" naku anak wala ng pandesal eh eto na lang ho" sabi ni papa sabay abot nung tinapay na kinakain nya agad naman itong kinuha ni May

" naku May ang takaw mo pati pagkain ni papa kinuha mo pa eh inubos mo na nga yung laman ng plastic" litanya naman ni den den napangiti na lang ako habang tinitingnan sila

Justice of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon