3-hawak

6 1 1
                                    

Jane Tolentino
Senior Highschool
San Mateo Academy

Gaya noong mini concert. Malapit na naman ako sa barricade isang abot ko lang ng kamay ko ay mahahawakan ko ang mga nagpeperform kung sakaling gustuhin nila na hawakan ang kamay ko. Puno ng maingay na sigawan ang gymnasium. Standing ang mga matatapang na katulad ko.

"Balita ko may pasabog raw?" Rinig kong sabi ng babae sa tabihan ko.

"Baka may bomba?"patawang sabi ng kasama niyang lalaki.

"Tanga!"sagot ng babae at tumawa.

Tinawag ang kasunod na magpeperform. Ang taong pinakahihintay ko. Naramdaman ko na naman ang pagwawala ng mga paruparo. Lumabas na siya sa backstage.

Ang gwapo na naman niya, kahit yata sako ang ipasuot ko ay gwapo parin siya.

Wearing a red and white stripe polo, black jeans and white sneakers. Damn, this guy is ethereal.

"Hi," naghiyawan ang mga babae sa simpleng salita niya. Inayos niya ang gitarang hawak niya at nagsalita muli sa mic.

"May tatlo akong kanta ngayong gabi, para sa kanya ang tatlong kantang to. Lagi ko siyang nakikita sa bawat gig ko, noong una akala ko hindi siya sinisipot ng boyfriend niya kaya lagi siyang mag isa sa table niya. Pero bakit kung nasaan ako, nadoon din siya? Hahaha,"habang nagsasalita siya ay ginigitarahan ni Elaine bilang background.

Ang sweet naman niya. Ang swerte nung babae.

"Nalaman ko na schoolmate ko pala siya. Sa laki ba naman kasi ng San Mateo paano ko makikilala lahat hindi ba? Pero dahil magaling si Elaine makatanda ng mukha, sinama ko siya sa isang gig ko at tinuro kita. Seryosong seryoso ka nun, kaharap mo laptop mo. Yun pala nagagawa ka ng thesis mo hahaha. So, ito na dahil nga mahina naman ang loob ko dadaan ko nalang to sa kanta. Sa loob ng tatlong taon tinatanaw tanaw lang kita sa malayo, dito sa school. Hindi ko sa masabi eh hahaha," sabi niya. Hindi ko sigurado pero mukhang inlove na inlove siya doon sa babae.

Umupo si Rojan, barkada niya din na nakailala ko nung 2nd day ng Foundation week, sa drums.

Nagsimula na ang kanta. Wow, banda. Si Elaine,Rojan,Kyle at Erich.

Hindi masabi ang nararamdaman
Hindi makalapit sadyang nanginginig na lang
Mga kamay na sabik sa piling mo
Ang iyong matang walang mintis sa pagtigil ng aking mundo

Sa bawat pagbitaw niya ng linya ng kanta ay parang sinasaksak ako. Mahal ko na yata ang lalaking to.
Nagpa-flashback sa utak ko ang mga ginawa namin nung nakalipas na araw. Grabe ang sakit na nakakakilig.

Ako'y alipin ng pagibig mo
Handang ibigin ang isang tulad mo
Hanggat ang puso mo'y sa akin lang hindi ka na malilinlang
Ikaw ang ilaw sa dilim at ang liwanag ng mga bituin

Sumabay ang crowd sa pagkanta ng chorus ng Bulong by December Avenue.

Hindi mapakali
Hanggang tingin nalang
Bumubulong sa'yong tabi
Sadyang walang makapantay
Sa kagandahang inuukit mo sa isip ko

Ngumiti siya habang nakapikit ang kanyang mga mata. Ang gwapo niya. Ang gwapo ng lalaking minamahal ko ng patago.

Ako'y alipin ng pagibig mo
Handang ibigin ang isang tulad mo
Hanggat ang puso mo'y sa akin lang hindi ka na malilinlang
Ikaw ang ilaw sa dilim at ang liwanag ng mga bituin

Pagkatapos ng chorus ng kanta ay humina ang gitara at drums. Tumikhim siya sa mic.

"Hi crush ko, sana naririnig mo ang kanta kong to. Matagal na talaga pero ngayon lang ako nagkalakas ng loob eh, sana di pa ako huli," tumigil ang background music.

hawakWhere stories live. Discover now