Dizz Point of View
"Bessy!" Salubong sakin ni Cass sabay yakap. "Namiss kita!" Sabi pa niya.
Ngumiti naman ako saka niyakap sya pabalik. "Namiss rin kita Bessy."
Pagkaalis sa yakap ay nilinga-linga nya yung likuran ko saka bumulong. "Nasan sina Theo at ang tropa nya?" Tanong pa nya. Alam ko naman na si Tim ang hinahanap nya. Haha.
"Wala." Tipid kong sagot.
Tumaas naman yung kilay nya. "Wala?"
Tumango naman ako saka dumiresto na sa loob ng classroom. "Bakit? Ano bang nangyari?"
"Tapos na ang contract ko. Nakalabas na si Lola sa hospital and binayaran nya na yung school para sa tuition ko."
"Ahhh good naman pala. Buti nakalabas na si Nanay Lilia at makakapagtapos kana rin." Masaya pero biglang lumungkot yung mukha nya. "Pero sad parin."
Hindi na lang ako nagsalita. Pero tama sya, may sadness parin. Di na ko pinapansin ni Theo na akala mo ay hangin lang ako naman Hindi nya nakikita sa tuwing magkakasalubong kami. Ang sakit lang. "Hays" napabuntong hininga na lang ako.
Matapos namin mag-usap dumating narin yung teacher namin. Mga 30mins ay may biglang pumasok sa room. Si Theo na puro pasa ang mukha. Anong nangyari sa kanya? Bumalik na naman ba sya sa dati?
Sinundan ko sya ng tingin. Ako ang nakaupo sa likuran nya pero ni tignan bago sya umupo o papunta Hindi nya ko sinulyapan. Baka blanko lang sya.
Nagpaquiz yung teacher namin at tungkol sa dinisscuss kanina nung wala sya. Alam ko kung paano magalit ang Dad nya kapag nalaman na bumagsak sya kahit quiz lang.Kinalabit ko sya pero di nya ko pinansin. Iniwas nya pa yung sarili nya hang kalabitin ko ulit. Pero ng pangatlo na, sinigawan nya ko. "Ano bang problema mo?!" Bulyaw nya.
Yung puso ko ng mga Sandaling yon, parang nabiyak. Ang sakit. Matapos pala ng pagsasama namin, ganito na ang mangyayari? Ang gusto ko lang naman tumulong pero ako na naman ang masama. Siguro panahon na para ilabas ang sama ng loob ko. Hindi na nya ko alipin kaya siguro naman may karapatan na ko dumaing, sumagot at magreklamo."Problema? Ikaw, anong problema mo!" Lahat nagulat sa ginawa ko. Anak ng principal at apo ng may ari ng school sinigawan ko. Buti na langa at umalis sandali si Ma'am. Ah! Ewan, basta wala na akong pakialam.
"Problema ko yon kaya wala ka na don. Sino ka ba? Isa ka lang hamak na alipin ko dati kaya pwede ba, layuan mo na ko. Ayoko na sayo!"
Natulala ako sa mga sinabi nya. Paulit-ulit na naririnig ko sa isip ko na "ayoko na sayo" kung kanina, nabiyak lang yung puso ko ngayon durog na durog na. Hindi ko na kaya, naiyak na talaga ako.
"Concern lang naman ako pero walang halaga lang pala ako sayo..." Patuloy lang na umaagos yung luha ko. "Ngayon Alam ko na." Napatango-tango akong umupo saka pinunasan ang mga luha ko at mula non Hindi ko na siya pinansin pa. Ang sakit pala talaga.
BINABASA MO ANG
You're The Boss
Historia CortaBTS Kim Taehyung (V) and Apink Yoon Bomi Fanfic, short story. 🙂