Chapter 1: Ang pagkikita-kita

361 6 3
                                    

READ, VOTE AND BE FAN AT COMMENT NARIN PO

SALAMAT

_______________________________________________________________________________

ANG TATLONG ITLOG

CHAPTER 1: ANG PAGKIKITA-KITA

Mark's Pov

Dahang-dahan akong tumakas kay Kuya Ronnie, family driver namin, lagi na lang siyang pinasasama ni Mama pag nag papaalam ako na lalabas at mamamasyal lang. Dito lang naman ako sa park malapit sa basketball court. natutuwa kasi ako sa mga naglalaro nito, biro niyo ang gagaling nila.

Nasabi ko tuloy sa sarili ko na " magiging basketball player din ako" pero hindi ngayon kasi 10 years old palang ako at saka papataba muna ako kasi masyado akong payat at pag wala na akong hika sabi ni mama, at ang sabi pa niya ay nawawala naman daw yung hika kaya may posibilidad akong makapaglaro ng basketball sa darating na panahon.

Tinantanaw ko parin si Kuya Ronnie sa malayo baka kasi mapansin niyang tumatakas ako. Dahil na kikisama ang panahon nakatakas ako.

YAHOOOOOOO!!!!!!! napatalon ako sa saya at napasuntok sa hangin sa sobrang saya ko dahil nakatakas ako sa pagbabantay niya ngayon.

At ang ngiti ko ay abot hanggang tenga.......... sabay taas ng kilay kaliwat kanan papalit-palit.... at napangiti ako.... "hehehehehe"

"makapunta muna ng park para makapaglibot-libot "

Hanggang nakarating ako ng play ground at sa swing ako na upo at tumambay. Kumapa ako sa bulsa at kinapa ko yung nebulizer ko sempre alam niyo na boy scout ako laging handa! "hahahahaha."

Nainip ako kaya nilabas ko yung game boy ko sa bag ko na dala-dala ko at nakasabit sa likodan ko.

Habang naglalaro ako nakarinig ako ng batang umiiyak na napadaan sa harap ko. Sinundan ko siya ng tingin "siguro kasing edad ko lang siya at bakit kaya siya umuiyak?" Sinundan ko lang siya ng tingin "kawawa naman siya" hindi ako nakatiis kaya sinundan ko siya.

Rex's Pov

"yehey bakasyon na" na pangiti ako sa naiisip ko.

"Oo nga pala uuwi si Itay ngayon galing trabaho sa pagcoconstruction ngayong hapon at na ngako siya na pasasalubungan niya ako ng ice cream dahil Top 1 ulit ako sa klase namin at hindi lang yun may sampu akong medalya walo dito pang-akademiko at yung dalawa ay sa sport na chess. Super saya ako para sa pasalubong ni Itay kaya bakit kaya ang tagal niya?" at hindi na ako nakatiis at bumangon ako sa pagkakahiga sa papag at lumabas ng kwarto at pumunta kaila Inay.

'"Inay bakit wala pa si Itay?"

"Bakit anak may pinangako ba ang Itay mo sayo?"

"Alam mo naman yan Inay malakas kay Itay" sabat ni ate gerlie at joan bunso naming kapatid.

Napahaba ang nguso ko duon sa sinabi nila "hindi naman sa malakas ako kay Itay na ngako kasi siya sa akin na kapag nagtop 1 ako sa klase ay ibibili niya ako ng ice cream.... eh nagtop1 naman ako...."

"Gerlie at Joan tama na yan, yung huling tumawag ang Itay niyo sabi niya lahat kayo may pasalubong sa kanya kaya wag kayong magtalo dahil para sa atin yun lahat" pagtatanggol ni Inay

"TALAGA!!!!! yehey........" sabat ni Joan

Nasa pintuan kami ni JOan at inaabangan si Itay dumating

"Kuya tagal naman ni Itay?"

"huwag kang mainip Joan at darating din si Itay"

Ng may tumingil na tricylce at bumaba si Itay mula duon.

Ang Tatlong ItlogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon