=Nathan point of view=
"Let's meet at the front of the church, 6pm. I'll fetch you there. Wait for me, okay?" Binabaan ko na agad siya. Di naman totoong kami kaya wala akong paki basta makapunta siya.
I drive alone with my car. Knowing what will happen later. Mame-meet ba namin 'yong fiancé ko kuno? Anong itsura niya, mabait ba siya? Aish. Kahit na, ayoko parin ikasal sa di ko kilala at lalong di ko mahal.
Nakarating ako ng simbahan at agad akong bumaba ng kotse para hanapin siya. I saw her in front of an old lady. Lalapit sana ako para awatin siya, alam kong mamalditahan lang niya 'yong babae pero hindi ko nagawa. Pinagmasadan ko lang siya. Why? It melts my heart knowing that this girl, isn't heartless. May magandang side rin pala siya na hindi nakikita ng iba dahil puro kamalditahan lang ang pinapakita niya sa marami.
Matapos niyang bigyan ng jacket, pagkain at inumin ang matanda ay napalingon siya sakin. "Oh, nandyan ka na pala?" Taas kilay niyang bati sakin.
"Hindi, wala pa ko dito." Pamimilosopo ko naman.
"Che!" Inis niyang irap. "Ang mga dyosang katulad ko, hindi dapat pinaghihintay."
Natawa naman ako. "Talaga lang, ha? Ang panget mo nga eh. Dyosa pfft patawa." Asar ko pa habang papunta na ulit ng sasakyan.
Bigla naman niya akong hinarap ng may nakakatakot na awra. Nilakihan niya ko ng mata tapos nakapamaywang pa. "Wow ha, ang kapal mo naman po pala! Baka hindi mo alam, ako si Rutchelle Marie Pineda, ang pinakadyosang nilalang sa buong mundo." Pagmamalaki niya pa habang sinusundan ako.
"Maswerte ka nga at pumayag ako sa gusto mo eh. Hmp!"
Pinagbukas ko siya ng pinto ng kotse. "Maswerte ka rin at ako ang nag-aya sayo sa ganitong sitwasyon, baka nakakalimutan mo rin, ako si Vince Nathan Rodriguez, ang pinakamagaling sumayaw sa Bullets, at syempre ang pinakagwapo."
Pumasok siya sa loob ng sasakyan. "Magaling ka lang sumayaw, di ka gwapo." Sabi niya saka kusang sinara ang pinto. Aba't! Pasalamat siya kailangan ko siya kundi, hmp.
Bumyahe kami ng tahimik. Ako nagdadrive siya naman nakasilip lang sa bintana. Nakarating kami ng mansyon ng walang pansinan. Bago kami lumabas ay pinaalalahanan ko siya. "Pwede ba, kahit ngayong araw lang, isantabi mo muna 'yong kamalditahan mo at maging mabait ka sa harap ng pamilya ko?" Inirapan niya lang ako saka bumaba. Psh.
"Young master, nandito na pala kayo. Kanina pa po kayo hinihintay sa loob ng Dad niyo." Salubong sakin ni manang Luz.
"Okay, salamat, nay." Ngitian ko siya saka diretso ng pumasok sa loob. Nang makatapat ko na ang pinto, kinakabahan ako, ewan ko kung bakit. Siguro dahil unang beses kong magpapakilala ng babae sa pamilya ko, bukod sa nga kaibigan ko. May mga pinadate sakin si Dad na mga anak ng business partner niya pero ni isa wala akong nagustuhan.
"Oh, bat ka huminto?" Mataray na tanong ni Rutchelle.
Hinawakan ko ang kamay niya. "Kailangan magmukhang totoong tayo para wala silang masabi."